Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 201,914 total reads

Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office of the Ombudsman sa nabunyag na 545-bilyong pisong katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan.

Tila, kuwestiyunable kung makatotohanan ang inilunsad na “anti-corruption crusade” ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Alam ng taumbayan ang ugat ng sistematikong corruption sa flood control scam, ang may kagagawan ng malawakang korapsyon ay ang mismong gumagawa ng batas., Ang Kamara… Ang Senado, at ang DPWH, COA at kasabwat na mga kamag-anakan at kaalyado sa construction sector. Ang katiwalian ay mina-obra ng mga mambatatas sa pambasang budget ng pamahalaan sa pamamagitan ng budget insertions., nilagdaang batas ang National Expenditure Program (NEP) ng administrasyong Marcos ng Senado at Kamara na nilagdaan naman ng pangulong Marcos bilang General Appropriations Act (GAA).

Hindi pa natatapos ang kontrobersiyang budget insertions na ginawa ng Kamara at Senado sa GAA 2025., ito na naman ang House of the Representatives o Mababang Kapulungan ng Kongreso, inaaprubahan ang 6.8-trilyong pisong budget ng administrasyong Marcos para sa taong 2026.

Sa inaprubahang budget, natuklasan na 243.2-bilyong piso ay napunta sa unprogrammed appropriations. Sa madaling salita ay isa na naman itong budget insertions., kung baga, isang ghost projects., wala pang proyekto ay budget na.

Ito ba ay maituturing na makatotohanang krusada ni PBBM na lusawin ang katiwalian sa pamahalaan?

Kapanalig, ang natuklasang unprogrammed appropriations ay maituturing na “hard at soft pork”, maliit pa lamang ito. Ngayon, masusubukan naman ang Senado kung matatapyasan o mati-triple o higit pa ang mailulusot na unprogrammed appropriations o sa madaling salita, budget insertions na mapupunta na naman sa bulsa ng mga magnanakaw sa gobyerno.

Eh, ang administrasyong Marcos ay notoryos pala sa tinawag na pork. Natuklasan ng IBON foundation sa kanilang pananaliksik na umaabot sa 2.1 trilyong piso ang nailusot ng administrasyon na unprogrammed funds sa General Appropriations Act o GAA mula taong 2023-hanggang 2025.

Sa administrasyong Marcos lamang naging malala ang pagnanakaw sa pondo ng bayan gamit ang unprogrammed appropriations na minani-obra ng mga mambabatas mula sa Kamara at Senado.

Ibig bang sabihin nito Kapanalig, mayroong collusion sa pagitan ng lehislatura at executive branch ng gobyerno? Kung gayon palabas lamang ang anti-corruption investigation ng Senado, ICC at OMBUDSMAN sa katiwalian sa flood control projects? Ang lahat ng imbestigasyon ay moro-moro lamang… isang komedyang palabas lamang?

Mayroon isang makapangyarihan ang dumidikta sa likod ng palabas?

Kapanalig, sinasabi sa GAWA 13:10–at pinagsabihang, “Ikaw! Anak ka ng diyablo! Kaaway ka ng lahat ng katuwiran! Punung-puno ka ng lahat ng pandaraya at panlilinlang! Kailan ka ba titigil sa pagbaluktot sa matutuwid na daan ng Panginoon?

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,038 total reads

 49,038 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,738 total reads

 128,738 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,185 total reads

 162,185 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,483 total reads

 197,483 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,098 total reads

 422,098 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 49,039 total reads

 49,039 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,739 total reads

 128,739 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,186 total reads

 162,186 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,484 total reads

 197,484 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top