17,963 total views
Sa paggunita natin sa mga yumao, naaalala rin natin ang dakilang pag-asa ng buhay na walang hanggan—ang pangakong makapiling ang Diyos at ang mga banal sa langit. Ang ating mga panalangin para sa kanila ay bunga ng pag-ibig na hindi kayang maputol ng kamatayan; ito’y ating suffragia—isang handog ng pag-ibig na nagpapadalisay sa kanila at nagpapabanal din sa atin. Sa bawat dasal at alaala, pinaparamdam natin na sila’y patuloy na buhay sa ating puso, habang sabay nating inaasam ang muling pagkikita sa piling ng Panginoon.






