Mananampalataya, hinimok na makiisa sa Red Wednesday 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,753 total views

Nanawagan ang Arkidiyosesis ng Maynila sa lahat ng mga parokya, paaralan, pamayanan at institusyong Katoliko na makiisa sa pagdiriwang ng Red Wednesday 2025 na inisyatibo ng Pontifical Foundation na Aid to the Church in Need (ACN) sa darating na Nobyembre 26, 2025.

Sa inilabas na liham sirkular ni Archdiocese of Manila Chancellor Rev. Fr. Carmelo P. Arada, Jr., ay hinikayat ang mga pari, rektor, direktor ng paaralan, at mga chaplain na ipagdiwang ang Red Wednesday ngayong taon bilang pakikiisa at pananalangin sa mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya.

Nasasaad sa tagubilin ang paanyaya sa lahat ng parokya at Katolikong institusyon na magdiwang ng Votive Mass para sa mga inuusig na Kristiyano alinsunod sa itinakdang liturhiya.

“Red Wednesday is initiated by the Papal Charity Aid to the Church in Need (ACN). Approved by the CBCP last 25 January 2020, the Wednesday after the Solemnity of Christ the King will be a day of prayer for Christians persecuted because of their faith. The Votive Mass for Persecuted Christians will be celebrated in all parishes, oratories, and Catholic institutions following the prescribed liturgy.” Bahagi ng liham sirkular ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Hinihikayat din ang paglalagay ng dekorasyong pula o pagpapaliwanag ng kulay pula sa mga simbahan, paaralan, at gusaling Katoliko bilang pag-alala sa dugo ni Kristo at ng mga martir na nag-alay ng buhay para sa pananampalataya.

Ang mga mananampalataya ay hinihikayat ding magsuot ng kulay pula bilang tanda ng pakikiisa at paggunita sa mga Kristiyanong nagbuwis ng buhay dahil sa pananampalataya.

“If possible, the façades of the churches, schools, and participating institutions are to be illuminated and/or decorated in red. The faithful may also be encouraged to wear red “as remembrance for the shed blood Christ on the Cross as persecuted and martyred, and for the blood of our persecuted brethren.”” Dagdag pa ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Magkakaroon din ng second collection sa mga Misa para sa mga proyekto ng Aid to the Church in Need – Philippines, na tumutulong sa mga Kristiyanong inuusig sa iba’t ibang bansa, na kinakailangang ipadala sa Treasury and Accounting Office bago o hanggang Disyembre 10, 2025.

Ang pambansang pagdiriwang ng Red Wednesday ay gaganapin sa Metropolitan Cathedral of San Fernando, Pampanga, na maaring masubaybayan sa pamamagitan ng livestreaming sa Facebook page ng ACN Philippines at mga katuwang na institusyon.

“There will be a second collection for the projects of the ACN-Philippines for persecuted Christians around the world. Please remit the collections to the Treasury and Accounting Office on or before 10 December 2025. The Red Wednesday Mass and lighting rite at the Metropolitan Cathedral of San Fernando, Pampanga, will be live streamed online through the ACN Philippines Facebook Page and other social media platforms affiliated with ACN Philippines.” Ayon pa sa Arkidiyosesis ng Maynila.

Napiling tema ng Red Wednesday campaign ngayong taon ang ‘Living Hope Amidst Suffering’ o ‘Buhay na Pag-asa sa Gitna ng Pagdurusa’ na layuning higit na palaganapin ang pag-asa para sa mga Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ang Red Wednesday ay isang prayer campaign na layuning palawakin ang kamalayan ng mga Filipino sa pag-uusig na dinaranas ng mga Kristiyano sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sinasagisag ng kulay pula ang alab ng puso at dugo ng mga Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig at pinapaslang sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Matatandaang Enero ng taong 2020 ng aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang institutionalization ng Red Wednesday Campaign ng Aid to the Church in Need o ang pormal na pagtatalaga ng Red Wednesday bilang taunang pagdiriwang ng Simbahan sa buong bansa tuwing Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari na isang tanda ng hindi pagsasawalang kibo ang mga Pilipino sa dinaranas na hirap ng mga inuusig na Kristyano sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 59,667 total views

 59,667 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 82,819 total views

 82,819 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 152,933 total views

 152,933 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 227,547 total views

 227,547 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 303,317 total views

 303,317 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 8,133 total views

 8,133 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top