Paglilinaw ng Laiko: Hindi kasali ang mga laykong Katoliko sa 3-day rally ngayong Nobyembre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,849 total views

Nilinaw ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) na hindi kasali ang mga laykong Katoliko sa nakatakdang rally sa Nobyembre 16 hanggang 18, 2025.

Ayon sa LAIKO, wala silang kinalaman sa anumang panawagan o pagkilos na may kaugnayan sa nasabing pagtitipon. Binigyang-diin ng grupo na mananatili itong tapat sa adhikain ng Simbahang Katolika na isulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at pagtalima sa tamang proseso ng katarungan sa lipunan.

“We are NOT part of the rally this November 16 to 18. The Catholic Laity will NOT participate in the said rally, and will NOT join in any call made in said rally,” bahagi ng opisyal na pahayag ng LAIKO.

Kasabay nito, muling ipinaalala ng LAIKO ang mensahe ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David noong Nobyembre 5, 2025, na nananawagan ng mapayapang pagkilos, pagkakaisa, at pagtalima sa batas.

Ayon sa mensahe ni Cardinal David, “We must choose the path of non-violence, constitutional order, and peaceful democratic participation. We firmly reject extra-constitutional shortcuts or calls to political adventurism. Our strength as a nation lies in our unity, our love for life, and our resolve to walk the hard path of truth, justice, transparency, and peace, through the democratic institutions we have struggled to build.”

Dagdag pa ng LAIKO, ang tunay na lakas ng bansa ay nakasalalay sa pagmamahalan, katotohanan, katarungan, at kapayapaan, na isinusulong sa ilalim ng demokratikong proseso.

Samantala, nanawagan din ang LAIKO sa lahat ng mananampalatayang Katoliko na manatiling mapayapa, magkaisa sa panalangin, at maging ilaw ng katotohanan sa gitna ng kaguluhan at maling impormasyon na kumakalat sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 15,570 total views

 15,570 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 48,652 total views

 48,652 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 77,003 total views

 77,003 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 144,733 total views

 144,733 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 166,654 total views

 166,654 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top