1,513 total views
Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric ng bansa. Ang sinsabing destabilization plot ay dapat panawagan ng panibagong commitment ng dayalogo sa pagitan ng mga political player, isang panawagan para sa nagkakaisang pagkilos laban sa mga grupong nagpapahina ng demokrasya.
Hindi maaring ipagkibit-balikat lamang ang mga sinsabing nasa likod ng destabilization laban sa administrasyon ng pangulong Marcos na kinabibilangan ni Rep. Paolo Duterte, dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at ang lumutang na si dating AKO Bicol partylist representative Zaldy Co.
Matapos ang mahabang pagtatago ng isangkot sa multi-bilyong pisong flood control project scam., kumalat ang 5-minute video statement., Sa video statement, pinangalanan ni Co si PBBM na utak sa 100-bilyong pisong halaga ng project insertions sa 2025 national budget.
Kasunod ng sinasabing “bombshell”, binalaan ng pangulo ng CBCP at ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang taumbayan sa mga alegasyon ni CO na nagsasangkot kay PBMM at pinsan nitong si dating House Speaker Martin Romualdez na utak ng budget insertions sa pambansang budget/
Hinahamon ng dalawang Kardinal ng Simbahang Katoliko si CO na bumalik sa Pilipinas, ihain ang reklamo under oath at suportado ng mga ebidensiya.
Umaapela si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng CBCP na “The Filipino people deserve clarity, not conjecture; truth, not rumor; accountability, not manipulation. “We appeal to all parties involved to act with honesty, courage, and responsibility. May every step taken in this matter serve the cause of justice and strengthen — rather than erode — our people’s trust in the institutions tasked with safeguarding our democracy,”
Sa gitna ng destabilization at 3-araw na rally ng INC, pinaalalahanan ni Cardinal Advincula ang mga Pilipino. “In moments of mass gatherings and public discourse, we do not let emotion prevail over reason. We must always adhere to the rule of law and resist any calls for extraconstitutional means to solve our problems. Our loyalty must be to our country and its democratic principles, not to persons, and certainly not to other self-serving motivations,”
Nananawagan pa ang Kardinal sa AFP at PNP na panindigan ang pangako sa watawat ng Pilipinas at mga Pilipino hindi sa ilang personalidad na may pansariling interes.
Iginiit ni Cardinal Advincula na ang kinakaharap na problema ng Pilipinas ay hindi mareresolba sa dahas. The nation’s current challenges “demand not just pragmatic solutions but a profound spiritual response.” “I plead with everyone to examine our consciences, reform our lives, and live according to God’s will,”
Kapanalig, maging mapanuri tayo sa mga usapin at alingasngas sa bansa. Alamin natin kung sino ang tama at mali. Kinabukasan mo at kapwa Pilipino ang nakataya sa anumang maling desisyon.
Kapanalig, patuloy tayong umaasa sa pamamagitan ng legal na proseso na sa kulungan magpapasko ang mga magnanakaw sa pera nating mga Pilipino.
Sumainyo ang Katotohanan.




