Ipagtanggol ang katotohanan sa gitna ng hidwaang politika, hamon ni Cardinal Advincula sa media

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,311 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga alagad ng sining at media na manatiling matatag at tapat sa katotohanan sa gitna ng harassment, disinformation, at tumitinding pagkakahati-hati ng bansa.

Sa 47th Catholic Mass Media Awards (CMMA) na may temang “Share with gentleness the hope that is in your hearts,” binigyang-diin ng kardinal na tungkulin ng mga tagapaghatid ng balita na maging tagapagtanggol ng integridad at katarungan.

“We will not stop until the truth comes out. We will never be tired of pursuing justice and restitution,” mariing pahayag ni Cardinal Advincula.
Ayon sa arsobispo, ang tema ng CMMA ay hindi lamang panawagan sa kabutihan, kundi hamon sa moralidad sa panahong puno ng tensyon at maling impormasyon.

“Hope today means vigilance and integrity, coherence and credibility, not recklessness and political expediency,” aniya.

Binigyang-diin ng kardinal ang pahayag ni San Pedro bilang paalala sa tungkulin ng media na ihayag ang katotohanan kahit may kapalit na panganib.

“Our media landscape today is marked by harassment, trolling, disinformation, and threats, but always remember, it is better to suffer for doing good than for doing evil,” paalala ng kardinal.

Ipinahayag din ni Cardinal Advincula ang pagkadismaya sa lalim ng hidwaang pampulitika na nagbubura sa diwa ng pagkakapwa-tao.

“We seem to have forgotten that our core value as a people is kapwa and pakikipagkapwa,” aniya.

Ipinaalala ng Cardinal na dapat manatiling matatag ang konsensya ng bawat Pilipino sa harap ng deception at ingay sa lipunan.

“Let us not be distracted by noise and deception. We will not trade integrity for favor or self-interest.”

Hamon ng kardinal sa mga nanalo at nominado sa CMMA, na aniya’y may tungkuling gamitin ang kanilang impluwensya upang itaguyod ang katotohanan at ilantad ang anumang katiwalian.

“We would be remiss in our mission if we were not ready to hold people accountable for their lies and trickery,” giit ni Cardinal Advincula.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula, bilang honorary chairman ng CMMA, ang paggawad ng parangal sa mga personalidad, organisasyon, at programang naglilingkod bilang daluyan ng pag-asa at katotohanan sa Kristiyanong pamayanan.

Ginanap ang awards night sa City State Tower Hotel sa Maynila noong November 19, na dinaluhan ng mga opisyal ng CMMA Board, kabilang si Balanga Bishop Rufino Sescon Jr., at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sangay ng sining at media

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 20,161 total reads

 20,161 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 40,299 total reads

 40,299 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 79,905 total reads

 79,905 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 114,033 total reads

 114,033 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 170,438 total reads

 170,438 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top