Maging pag-asa at aktibong boses ng simbahan at lipunan, hamon sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,293 total views

Sa pagdiriwang ng Diocesan Youth Day 2025 at pagsasara ng Jubilee Year of Hope for the Youth, hinimok ng Diocese of Novaliches Commission on Youth (COY) ang libo-libong kabataan na manatiling matatag sa pag-asa at maging aktibong tinig sa Simbahan at lipunan.

Binigyang-diin ni Fr. John Harvey Bagos, Priest Coordinator ng COY Novaliches, na ang pag-asa ay hindi lamang pakiramdam o ideya, kundi isang panawagan na kumilos, makisama sa paglalakbay ng kapwa, at tuparin ang misyon na iniatang ni Jesus.

Ayon sa pari, ang kabataan ay hindi simpleng tagapakinig lamang, kundi tinatawag upang maging tagapaghatid ng pag-asa sa mga pagkakataong may pangangailangan, pagkalito, at paghahanap ng direksyon.

“Sa mga kabataan na nakiisa at patuloy na nakikia-accompany sa kapwa-kabataan, nais kong patuloy kayong anyayahan. Huwag tayong bibitaw kay Jesus. Siya lang ang ating tinig na pakinggan,” pahayag ni Fr. Bagos mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Fr. Bagos, ang kabataan ay kailangang manatiling nakatuon sa tinig ni Jesus sa halip na malito sa iba’t ibang ingay mula sa mundo—lalo na sa panahong puno ng maling impormasyon, kaguluhan, at magkakasalungat na opinyon.

Aniya, ang pag-asa ay nagiging totoo lamang kapag ito’y ibinabahagi at isinasabuhay sa pakikipaglakbay sa kapwa.

“Marami tayong pwedeng mapakinggan, pero pakinggan lang natin ang tinig ni Jesus. Siya ang nagdadala ng tunay na pag-asang kailanman hindi tatahimik sa mga suliranin ng buhay,” ayon kay Fr. Bagos.

Samantala. iginiit naman ni Eunesi Marie Bacud, Youth Coordinator ng COY Nova, na ang pag-asa ay may kaakibat na pananagutan at hindi dapat manatili sa salita lamang.

Ayon kay Bacud, bagamat maraming personal at panlipunang hamon ang kinakaharap ng kabataan ngayon, mahalagang maunawaan na bawat isa ay may tinig at kakayahang maghatid ng liwanag sa mga kalagayang kanilang tinutugunan.

Aniya, ang pagdiriwang ng DYD 2025 at pagtatapos ng Hubileo ng Kabataan ay mahalagang pagkakataon upang himukin ang kabataan na maging mulat, mapanuri, at may pananagutan sa kanilang papel sa Simbahan at lipunan.

“Tayo ‘yung ngayon at ang future ng ating bayan, ng simbahan, dapat tayo may pakialam. ‘Yun ‘yung gusto nating sabihin—dapat accountable tayo, dapat aware tayo.”

Tema ng pagtitipon ng mga kabataan ng Diyosesis ng Novaliches ang “Tinig: Ang Tunay na Pag-asa ay Hindi Tahimik,” na naglalayong pag-alabin ang pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit ng mga kabataan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 12,492 total views

 12,492 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 34,497 total views

 34,497 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 58,839 total views

 58,839 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 82,847 total views

 82,847 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 117,732 total views

 117,732 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top