Malawakang Prayer and Protest rally, isasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,163 total views

Nanawagan si Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya sa buong bikaryato na makiisa sa isang malawakang Prayer and Protest Rally bilang pakikiisa sa Trillion Peso March na gaganapin sa Nobyembre 30, 2025.

Ayon sa Obispo, bagama’t hindi makakadalo ang karamihan sa malaking pagtitipon na nakatakda sa Maynila, ay maaari namang makibahagi ang mga Palaweño sa mapayapang pagkilos na isasagawa sa iba’t ibang lugar sa Palawan upang ipahayag ang saloobin ng mamamayan laban sa malawakang korupsiyon o katiwalian sa bansa.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, magkakaroon ng sabay-sabay na Rally for Accountability sa iba’t ibang sentrong lugar sa bikaryato, partikular na sa Taytay, El Nido, Roxas, Coron at Cuyo.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, bahagi ng moral na tungkulin ng Simbahan at ng mga mamamayan na manindigan para sa katotohanan, katapatan, at mabuting pamamahala.

“Nababahala po tayo sa malalaking korapsyon na nangyayari at gusto po natin na panagutin ang mga gumawa nito. Mayroon pong gagawing malaking rally sa Maynila sa November 30, 2025, hindi man tayo makakapunta sa Maynila ngunit kailangang magpahayag ng ating saloobin kaya dito po sa atin sa Bikaryato ng Taytay, mayroon din po tayong mga rally sa malalaking mga lugar natin. Meron din po tayong rally na gagawin sa Taytay [Palawan], gagawin sa El Nido, gagawin sa Roxas, gagawin sa Coron, gagawin sa Cuyo upang ipahayag po ang ating damdamin.” Bahagi ng paanyaya ni Bishop Pabillo.

Nakatakda ang lokal na pagtitipon sa iba’t ibang bahagi ng Palawan sa hapon ng Nobyembre 30, 2025 bilang pakikiisa sa pambansang panawagan ng mamamayan na wakasan ang katiwalian at pang-aabuso sa pondo ng bayan.

Ayon kay Bishop Pabillo may mabigat ding dahilan ang mga mamamayan ng Palawan upang manawagan ng pananagutan sa pamahalaan sapagkat marami pa rin sa mga bayan ng Palawan ang kulang sa malinis na tubig, maayos na kuryente, at matinong imprastraktura, sa kabila ng malaking pondo at yaman ng lalawigan.

Bagama’t inilarawan ng Obispo ang mga komunidad ng Palawan bilang maliit lamang na grupo ay binigyang diin naman nitong mahalaga ang bawat boses at bawat pagkilos tungo sa pagbabago sa lipunan.

“Maliit lamang tayong grupo pero hinihikayat ko po ang lahat na makiisa, ipahayag po natin ang damdamin natin na dapat igalang ang mga buwis ng tao at huwag dapat sayangin ang mga resources ng ating bayan, lalong lalo na po dito sa Palawan na maraming mga lugar natin ay wala pang magaganda at maayos na tubig, maayos na kuryente, maayos na daan, talagang kailangan natin ang bawat resources natin huwag dapat sayangin, kaya hinihikayat ko po kayo makiisa po tayo sa November 30, 2025 sa hapon na makiisa sa mga rally na inorganized sa mga lugar natin.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ang nakatakdang prayer rally ay inaasahang magsisilbing daan upang isulong ang pananalangin, pagpapahayag ng konsensya, at pananawagan para sa katarungan, kasabay ng apela para sa mabuting pamumuno ng naaayon sa turo ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 25,651 total views

 25,651 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 49,967 total views

 49,967 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 85,757 total views

 85,757 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 127,170 total views

 127,170 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 178,763 total views

 178,763 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top