Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,986 total reads

Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan, kalikasan, at kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa pastoral statement na inilabas kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Kristong Hari, hiniling nina Bacolod Bishop Patricio Buzon; Kabankalan Bishop Louie Galbines; at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamahalaang panlalawigan na ipagpatuloy ang Provincial Ordinance No. 7 (2007), ang batas na nagpapanatili sa Negros bilang GMO-free.

Ayon sa mga obispo, mahalaga ang pagpapanatili sa GMO-free status upang mapangalagaan ang organic farming, biodiversity, at kalusugan ng mga Negrense.

“It is an ethical achievement, a landmark act of ecological justice, and a testimony to the wisdom of our people. To weaken or repeal it would not only be imprudent. It would be irresponsible, unjust, and dangerous,” pahayag ng Negros Occidental Bishops.

Tinukoy ng mga obispo ang mga pag-aaral na nag-uugnay sa GMO agriculture sa soil degradation, genetic contamination ng lokal na pananim, at mga posibleng panganib sa kalusugan.

Binigyang-diin ng mga pastol na ang pagpapatuloy ng pagbabawal sa GMOs ay nakaugnay sa layunin ng lalawigan na panatilihin ang titulong organic agriculture capital of the Philippines, lalo na ngayong ginaganap sa Negros Occidental ang Terra Madre Asia & Pacific 2025, isang pagtitipon tampok ang ecological food systems at farmer-led sustainability.

“To abandon this identity now–especially while hosting Terra Madre–is an embarrassment before the world and a betrayal of our people,” ayon sa mga obispo.

Hinikayat ng mga pastol ang lokal na pamahalaan, mga magsasaka, kabataan, at mga mananampalataya na pangalagaan ang organikong pamana ng Negros at patuloy na suportahan ang mga polisiya para sa ligtas at napapanatiling agrikultura.

Dagdag pa ng mga obispo na ang pagpapanatili ng GMO-free status ay proteksyon hindi lamang sa agrikultura, kundi pati sa kalusugan, karapatan sa pagkain, at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

“As your pastors, we would be remiss in our responsibility if we fail to warn you. Its amendment or repeal is a serious violation of the right of the people to health, and a healthy environment… It is not only a policy issue. It is a moral issue. A life issue. A justice issue. A faith issue,” ayon sa Negros Occidental Bishops.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,130 total reads

 125,130 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 156,860 total reads

 156,860 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 258,687 total reads

 258,687 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,244 total reads

 299,244 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 314,532 total reads

 314,532 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 139,535 total reads

 139,535 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top