Malawakang Prayer and Protest rally, isasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,446 total reads

Nanawagan si Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya sa buong bikaryato na makiisa sa isang malawakang Prayer and Protest Rally bilang pakikiisa sa Trillion Peso March na gaganapin sa Nobyembre 30, 2025.

Ayon sa Obispo, bagama’t hindi makakadalo ang karamihan sa malaking pagtitipon na nakatakda sa Maynila, ay maaari namang makibahagi ang mga Palaweño sa mapayapang pagkilos na isasagawa sa iba’t ibang lugar sa Palawan upang ipahayag ang saloobin ng mamamayan laban sa malawakang korupsiyon o katiwalian sa bansa.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, magkakaroon ng sabay-sabay na Rally for Accountability sa iba’t ibang sentrong lugar sa bikaryato, partikular na sa Taytay, El Nido, Roxas, Coron at Cuyo.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, bahagi ng moral na tungkulin ng Simbahan at ng mga mamamayan na manindigan para sa katotohanan, katapatan, at mabuting pamamahala.

“Nababahala po tayo sa malalaking korapsyon na nangyayari at gusto po natin na panagutin ang mga gumawa nito. Mayroon pong gagawing malaking rally sa Maynila sa November 30, 2025, hindi man tayo makakapunta sa Maynila ngunit kailangang magpahayag ng ating saloobin kaya dito po sa atin sa Bikaryato ng Taytay, mayroon din po tayong mga rally sa malalaking mga lugar natin. Meron din po tayong rally na gagawin sa Taytay [Palawan], gagawin sa El Nido, gagawin sa Roxas, gagawin sa Coron, gagawin sa Cuyo upang ipahayag po ang ating damdamin.” Bahagi ng paanyaya ni Bishop Pabillo.

Nakatakda ang lokal na pagtitipon sa iba’t ibang bahagi ng Palawan sa hapon ng Nobyembre 30, 2025 bilang pakikiisa sa pambansang panawagan ng mamamayan na wakasan ang katiwalian at pang-aabuso sa pondo ng bayan.

Ayon kay Bishop Pabillo may mabigat ding dahilan ang mga mamamayan ng Palawan upang manawagan ng pananagutan sa pamahalaan sapagkat marami pa rin sa mga bayan ng Palawan ang kulang sa malinis na tubig, maayos na kuryente, at matinong imprastraktura, sa kabila ng malaking pondo at yaman ng lalawigan.

Bagama’t inilarawan ng Obispo ang mga komunidad ng Palawan bilang maliit lamang na grupo ay binigyang diin naman nitong mahalaga ang bawat boses at bawat pagkilos tungo sa pagbabago sa lipunan.

“Maliit lamang tayong grupo pero hinihikayat ko po ang lahat na makiisa, ipahayag po natin ang damdamin natin na dapat igalang ang mga buwis ng tao at huwag dapat sayangin ang mga resources ng ating bayan, lalong lalo na po dito sa Palawan na maraming mga lugar natin ay wala pang magaganda at maayos na tubig, maayos na kuryente, maayos na daan, talagang kailangan natin ang bawat resources natin huwag dapat sayangin, kaya hinihikayat ko po kayo makiisa po tayo sa November 30, 2025 sa hapon na makiisa sa mga rally na inorganized sa mga lugar natin.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ang nakatakdang prayer rally ay inaasahang magsisilbing daan upang isulong ang pananalangin, pagpapahayag ng konsensya, at pananawagan para sa katarungan, kasabay ng apela para sa mabuting pamumuno ng naaayon sa turo ng Simbahan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 15,257 total reads

 15,257 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 32,422 total reads

 32,422 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 61,072 total reads

 61,072 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 109,337 total reads

 109,337 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 131,426 total reads

 131,426 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 229,573 total reads

 229,573 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 15,258 total reads

 15,258 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 22,365 total reads

 22,365 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top