Ligtas at maayos na Nazareno 2026, tiniyak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,983 total views

Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno ang mas ligtas at maayos na traslacion sa Nazareno 2026 sa Enero 9, kasunod ng isinagawang walkthrough sa buong ruta ng prusisyon.

Ayon kay basilica rector at parish priest Fr. Ramon Jade Licuanan, pangunahing layunin ng walkthrough ang masuri ang kalagayan ng mga kalsadang daraanan ng andas, lalo’t inaasahan ang mahigit walong milyong debotong lalahok sa kapistahan.

“It’s all about safety. Safety will come after good preparedness. We’re talking about a cumulative number of more than 8 million, so it’s quite substantial,” pahayag ni Fr. Licuanan sa Radyo Veritas.

Binanggit ng pari na maging ang maliliit na lubak at nakaharang na istruktura sa makikitid na kalsada ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga nakapaa at siksikang deboto.

Dahil dito, hinimok niya ang mga residente at barangay na nakasasakop sa ruta na tumulong sa paglilinis at pag-aalis ng anumang sagabal sa daan.

“Kaya ang hiling namin ay personal initiative ng mga residente, together with the barangay, na maging malinis at ligtas ang mga lansangan sa pagdaan ng ating Traslacion,” dagdag ng pari.

Inihalintulad ni Fr. Licuanan ang paghahanda sa ginawa ni San Juan Bautista, patron ng Quiapo Church, na “naghanda ng daraanan ng Panginoon.”

“Si San Juan Bautista ang naghanda sa daraanan ng Panginoon; ngayon ginagawa rin natin iyon para sa pagdating ng Poong Hesus Nazareno kasama ang mga deboto,” paliwanag ni Fr. Licuanan.

Kalahok sa walkthrough mula Quirino Grandstand pabalik ng Quiapo Church ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, security forces, Hijos del Nazareno, at media.

Muling gagamitin ang nakagawiang ruta ng prusisyon na dadaanan ang tatlong malalaking parke at plaza, pitong tulay, isang underpass, at 18 national at city roads.

Patuloy ang puspusang paghahanda ng basilica para sa mga gawain ng Nazareno 2026, kabilang ang National Balangay Conference sa Nobyembre 26 na lalahukan ng mga Hijos del Nazareno na katuwang sa pangangasiwa ng kapistahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 48,482 total views

 48,482 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 172,893 total views

 172,893 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 215,213 total views

 215,213 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 293,121 total views

 293,121 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top