Mga sangkot sa flood control scandal, nararapat mabigyan ng due process

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 58,144 total reads

Binigyang-diin ng Presidential Communication Office (PCO) na naniniwala ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ‘due process’-o karapatan ng bawat tao na mabigyan ng makatarungan, maayos, at tamang proseso bago sila patawan ng parusa o hatulan sibil, man o administratibo.

Ito ayon kay PCO Undersecretary Atty. Claire Casto kaugnay sa puna ng marami na hanggang ngayon ay wala pang nakukulong sa mga personalidad na sinasabing sangkot sa flood control scandal.

Habang ang walong naaresto kaugnay sa parehong alegasyon na pawang mga ‘small time’ o hindi kilala.

Sinabi ni Castro sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, kinakailangang dumaan sa tamang proseso bago mapanagot ang mga ititurong responsable sa krimen.

‘Unang-una nakakalungkot na ‘yung ibang kababayan natin na sasabihin nila na ‘dilis’ lang ‘yung nahuhuli…The fact po na mayroon tayong pinapapanagot maliit-malaki, kailangan silang managot. So, dun palang po alam natin na ang gobyerno at ang administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. ay seryoso. Sa pagsugpo sa katiwalian. Ngayon, yung mga taong wala dito, ayoko sabihin na may ‘criminal mind’ sila at agad na tumalilis sa labas ng bansa, hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili nila. Tandan po natin na mayroon pa rin tayong mga remedyo, kaya tayo humihingi ng tulong sa Interpol at ngapapacancel ng passports para po mas mabilis na sila ay maibalik sa Pilipinas,” ayon pa kay Castro,

Inihalimbawa rin ni Castro ang mga nagawa ng administrasyong Marcos, kabilang na ang usapin kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kasong crimes against humanity, ang pagkakaaresto kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.

Ayon pa kay Castro, “Kung papansinin po natin, hindi po ito ‘dilis’, pero patungkol sa flood control projects, iniisa-isa po ito, hindi po ang Pangulo po ay, hindi parang mga EJK style o tokhang style kahit walang due process-e nasesentensyahan ng kamatayan.”

Sa administrasyon din ni Marcos Jr., ayon kay Castro napauwi si dating Rep. Arnolfo Teves Jr. at ang pagpapanagot kay dating Bamban Mayor Alice Guo-na kalaunan ay napatunayang isang Chinese sa ilalim ng pangalang Guo Hua Ping.

“Due process po tayo, so ang pakiusap natin sa kababayan natin, hintay lang po tayo kasi marami pang magaganap. Dahil tandan po natin, three months pa lang po ito simulan, after magsimula ang Pangulo sa SONA (State of the Nation Address). More than three months pa lang po ang lumilipas, pero ito na po tayo. Sabi nga natin kung three months pa lang naiinip na kayo, papano po yung nakaraang administrasyon na six years walang nagawa patungkol sa ghost projects nila,” ayon pa kay Castro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,909 total reads

 13,909 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,500 total reads

 95,500 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,949 total reads

 128,949 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,248 total reads

 164,248 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,315 total reads

 390,315 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,742 total reads

 13,742 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top