Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 221,375 total reads

Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by an orchestra”. Ito ang kumukumpas upang matiyak na nasa unified rhythm ang mga musikero.

Ang tanong ng mga Pilipino… Mayroon kaya? at sinong CONDUCTOR ang mayroong makapangyarihang kamay na siyang nagdidikta o kumukumpas sa binuong Independent Commission for Infrastructure o ICI? Ang ICI ay naatasang mag-imbestiga at magrekomenda ng kasong ihahain sa korte laban sa mga sangkot sa multi-bilyong pisong flood control projects ng pamahalaan.

Sino ang CONDUCTOR na pumipigil na lumabas ang buong katotohanan sa katiwaliang kinasasangkutan ng mga mambabatas, opisyal ng DPWH, COA at mga sakim na kamag-anak at kaalyadong kontraktor?

Lumutang ang katanungan at hinalang ito Kapanalig sa pagbibitiw ni dating DPWH secretary Rogelio Singson bilang commissioner ng ICI. Naunang nagbitiw na commissioner ng ICI si Baguio Mayor Benjamin Magalong.

Ang dahilan ng pagbibitiw ni Singson, “very intense at stressful” ang trabaho sa ICI na nakakaapekto sa kanyang katawan. Si Singson ay 77-taong gulang na. May pumipigil ba kay Singson na habulin at panagutin sa batas ang mga “big fish”?

Pero hindi naniniwala ang mga kritiko sa katwiran ni Singson… Hinala nila, nararamdaman ng dating kalihim ng DPWH na ginagawa siyang washing machine at punching bag ng Malakanyang sa ICI. Ayaw umano ni Singson na maging tagalinis ng Malakanyang sa malawakang korapsyon na kinasasangkutan ng kongreso, COA, DPWH, maging ang Department of Budget and Management o DBM at Office of the President ay isinasangkot na.

Mariing itinatanggi ng ICI at Malakanyang na nagbitiw si Singson dahil sa frustration o kabiguan. Ang tunay na dahilan ng pagbibitiw ni Singson ay kawalan daw ng suporta ng Office of the President sa imbestigasyon ng ICI. Ibig sabihin Kapanalig, mga pipitsugin lamang ang makakasuhan., ang mga malalaking isda ay tiyak na makakawala.

Kapanalig, nangyari ang pagbibitiw ni Singsion sa gitna ng kawalang-tiwala ng mga Pilipino sa ICI. Base sa survey ng WR Numero, 37-percent lamang ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa kumisyon habang 32-porsiyento ang hindi nagtitiwala sa pangunahing anti-corruption initiative ni PBBM.

Paano magtitiwala ang publiko sa ICI na walang kapangyarihan at ngipin na hulihin at isakdal ang mga napatunayang tiwali o mga kasangkot sa pagnanakaw sa pera ng taumbayan? Ang magagawa lamang ng ICI ay referral sa Office of the Ombudsman kung sino-sino ang dapat kasuhan sa korte.

Sa pagbibitiw ni Singson., sinasabing ang ICI is dead! Sa pagkawala nito sa ICI ay maliligaw ng landas ang mga kasapi ng anti-corruption body na nilikha ng Malakanyang.
Sinasabi ni Pope Francis sa kanyang encyclical na “Laudato Si”20…, When the culture itself is corrupt and objective truth and universally valid principles are no longer upheld, then laws can only be seen as arbitrary impositions or obstacles to be avoided”.

Binibigyan-diin ng Catholic Social Teaching na ang corruption ay “major driver of poverty, injustice and miserable living conditions.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 42,687 total reads

 42,687 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 77,362 total reads

 77,362 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 106,229 total reads

 106,229 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 142,711 total reads

 142,711 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 158,314 total reads

 158,314 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 42,688 total reads

 42,688 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 77,363 total reads

 77,363 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 106,230 total reads

 106,230 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 142,712 total reads

 142,712 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top