Pastoral care sa mga Filipinong mandaragat, tiniyak ng Stella Maris Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,498 total views

Pinatibay ng Stella Maris Philippines ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa International Christian Maritime Association (ICMA) at iba pang Christian organizations sa iba’t ibang bansa upang higit na mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipinong mandaragat.

Ito ang ibinahagi ni Stella Maris Philippines National Director Fr. John Mission, kasunod ng kaniyang paglahok bilang tagapagsalita sa International Christian Maritime Association East and South-East Asia Regional Conference na ginanap sa Hong Kong.

Ang ICMA ay isang ecumenical cooperation ng iba’t ibang Christian churches at associations na nagkakaisa sa iisang layunin—ang magbigay ng kalinga, serbisyo, at pastoral care sa mga seafarer sa buong mundo.

“It is truly an opportunity for Stella Maris Philippines to engage with other Christian organizations and establish relationships, since the Philippines is one of the highest suppliers of seafarers all over the world. Most of the seafarers ship visitors from other countries meet are Filipino seafarers,” ayon sa mensaheng pinadala ni Father Mission sa Radyo Veritas.

Ayon kay Fr. Mission, mahalagang oportunidad para sa Stella Maris Philippines ang aktibong pakikilahok sa ICMA, lalo’t ang Pilipinas ay kabilang sa pinakamalalaking supplier ng seafarers sa buong mundo dahil Aniya, karamihan sa mga seafarer na nakakasalamuha ng mga ship visitors mula sa iba’t ibang bansa ay mga Pilipino, dahilan upang lalo pang paigtingin ang ugnayan sa iba’t ibang Christian organizations.

Sa conference ay nagkaroon ng palitan ng kaalaman, karanasan, at pagninilay mula sa iba’t ibang resource speakers sa temang “Being Present”—kasama ang mga seafarer na onboard, nasa dormitoryo, nasa pagitan ng kontrata, at maging ang mga cadet. Dito rin kinilala ang maraming hamon at karanasan ng mga mandaragat sa iba’t ibang yugto ng kanilang propesyon.

“Our presence on campus takes many forms. We provide regular spiritual activities: holy Masses, spiritual direction, confession, and recollections for graduating students. These practices are simple yet powerful: they provide a moment to reflect, to center one’s values, and to find support before a student’s first joining. Being physically present on campus means students know there is a trusted place to go when they need counsel or prayer,” bahagi pa ng mensahe ng Stella Maris Philippines

Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Fr. Mission ang kahalagahan ng pre-deployment seminars para sa mga seafarer, cadet, at kanilang mga pamilyang naiiwan sa bawat paglalayag dahil ayon sa pari, hindi lamang sa panahon ng paglalayag naroroon ang Stella Maris, kundi lalo na kapag ang mga seafarer ay nasa lupa at naghahanda pa lamang dahil Noong 2025, tinulungan ng Stella Maris Cebu ang may 1,500 maritime students, kabilang ang mahigit 1,200 nagtapos sa isang unibersidad, sa pamamagitan ng personal na dayalogo sa mga paaralan at pagpapatibay ng pastoral care.

Ibinahagi rin ni Fr. Mission na ang paglipat ng mga cadet mula paaralan patungong shipboard training ay panahon ng matinding kaba at pangamba kung saan tugon dito ang pagdaraos ng mga banal na misa, values enrichment seminars, at iba pang uri ng pakikipagtulungan upang mapangalagaan ang kanilang mental health, kasabay ng patuloy na pagpapalawak ng programa sa iba’t ibang maritime schools sa Cebu at Maynila.

Para naman sa mga seafarer na naglalayag at nasa pagitan ng kontrata, itinatag ang MAUNLAD prayer-breakfast group na nagsisilbing pagtitipon para sa panalangin, pagbabahagian, at suporta laban sa pag-iisa at panghihina ng loob

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 6,991 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 7,097 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 66,658 total views

 66,658 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 136,765 total views

 136,765 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 168,047 total views

 168,047 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 200,062 total views

 200,062 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 348,862 total views

 348,862 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top