Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 194,393 total reads

Anong problema ang bumabalot sa education sector ng Pilipinas? Bakit, ilang dekada na…hindi pa rin nakakabangon sa sala-salabat na suliranin ang sektor?

Dahilan kaya ng problema ang mga namumuno na pawang mga political appointee na walang alam sa pagpapatakbo ng education sector? Ito ba ay resulta ng endemic na corruption sa pagitan ng mga opisyal at mga kontraktor? Maari kayang kulang lang sa budget na inilalaan para sa pagpapabuti ng sektor na magpapataas sa antas ng kuwalidad na edukasyon sa mga mag-aaral? Hindi kaya ito ay sanhi lamang ng mismanagement?

Kapanalig, ang ating education sector ay nahaharap din sa kakulangan ng mga guro. Sa kasalukuyan, nagbabadya din ang matinding epekto ng sinasabing “dual crisis” sa sektor pang-edukasyon sa bansa.

Nangangamba ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) sa kinabukasan ng sektor pang-edukasyon. Ang unang problema.., lumalaki ang backlog sa classroom construction: pangalawa ay ang nabubulok nang school facilities.

Sa data ng Department of Education (DepEd), pumalo sa 165,443 ang classroom shortage… 51,000 naman ang mga lumang silid-aralan na iko-condemned na sa taong 2028.

Nakakalungkot Kapanalig, sinasabi sa datos ng DepEd na sa kabuuang 329,716 school building sa buong Pilipinas…, 122,518 dito ay lumagpas na sa standard na 25-year design life.

Dahil sa nakakabahalang suliranin., ipinapayo ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang pagkakaroon ng pangmatagalang “risk-informed school infrastructure plan”., pakikipag-partner sa mga LGUs gayundin sa Private-Public Partnerships (PPPs) upang matugunan ang backlog.

Ang nakakatakot, sa target ng DepEd na makapagpatayo ng 26,000 silid-aralan sa taong 2026., ang pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan., ang notoryos na DPWH ang nakatoka sa gawain. Sana, maisakatuparan ito para sa kinabukasan ng mga kabataang Pilipino?

Kapanalig, sa 2026 General Appropriations Act (GAA 2026)., 1.34-trilyong piso ang inilaan na budget para sa education sector. Ito ang pinaka-malaking pondo na inilaan sa sektor ng edukasyon sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kailan kaya matatapos ang “infrastructure deficit” sa Pilipinas, lalu na sa education sector?

Para kay Archbishop Charles Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines…, “Persistent social problems like corruption, poverty, exclusion, malnutrition and lack of education need “fresh and creative” solutions.

Sinasabi ng Catechism of the Catholic Social Teachings on Education.,tungkulin ng Simbahan at Estado na tiyakin ang “ Instruction of the intellect and imparting of necessary and useful knowledge, and the formation of character of children in the choice and pursuit of moral goodness”. Any system of education which ignores this twofold character is unsound and defective.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 15,683 total reads

 15,683 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 53,701 total reads

 53,701 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,911 total reads

 71,911 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 156,240 total reads

 156,240 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 192,876 total reads

 192,876 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 15,684 total reads

 15,684 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 53,702 total reads

 53,702 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,912 total reads

 71,912 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 156,241 total reads

 156,241 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top