Simba kalusugan, ilulunsad ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,507 total views

Ilulunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Healthcare (CBCP–ECHC) ang Simba Kalusugan, isang programang naglalayong ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga pamayanan sa pamamagitan ng mga parokya at institusyong Katoliko.

Ayon kay Camillian Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng CBCP–ECHC, katuwang ng simbahan sa programa ang Department of Health (DOH), at layong ipalaganap sa iba’t ibang rehiyon, lalawigan, at lokal na pamahalaan sa buong bansa upang higit na mapahalagahan ang kalusugan ng bawat tao.

Ipinaliwanag ng pari na itinuturing ng Simba Kalusugan ang pangkabuuang aspeto ng tao sa pisikal, emosyonal, pangkaisipan, at espiritwal.

“Pinagsasama rito ang panalangin, pagsisimba, at kalusugan. Sa mga espasyo ng simbahan, espasyo ng ating mga Catholic institution, dun tayo naghahandog ng healthcare services,” pagbabahagi ni Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Bagama’t may mga parokya nang nagsasagawa ng libreng medical services matapos ang Banal na Misa, sinabi ni Fr. Cancino na mas paiigtingin ito sa ilalim ng Simba Kalusugan sa pamamagitan ng pagdadala ng mga dalubhasa at serbisyong karaniwang matatagpuan lamang sa mga ospital.

Dagdag ng pari, sa halip na ang mamamayan ang pumunta sa mga healthcare facility, ang mismong serbisyo ang inilalapit sa mga pamayanan bilang kongkretong pagtugon ng Simbahan at ng pamahalaan sa mga nahihirapang maka-access ng serbisyong medikal.

“It’s more of a parish-based healthcare service. So, mas marami ang maaabot dahil mas accessible. Mas grounded kung sino ‘yung mas nangangailangan kasi mas available siya, at sabihin na natin, mas affordable,” ayon kay Fr. Cancino

Gaganapin ang paglulunsad sa Simba-Kalusugan program sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral sa Diyosesis ng Imus sa February 14, 2026, kasabay ng National Celebration ng 34th World Day of the Sick.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 37,600 total views

 37,600 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 162,011 total views

 162,011 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 204,634 total views

 204,634 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 283,282 total views

 283,282 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top