Gawing kongkreto ang malasakit sa mga maysakit, hamon ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,389 total reads

Hinamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na gawing kongkreto ang malasakit sa mga maysakit sa paggunita ng 34th World Day of the Sick, kasabay ng Paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes.

Sa Banal na Misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral, ipinaalala ni Cardinal Advincula ang mga pagpapakita ng Mahal na Birhen kay St. Bernadette Soubirous sa Lourdes noong 1858 at ang mensahe ng pag-ibig ng Diyos, pagsisisi, at habag na nagbibigay pag-asa sa mga nagdurusa, lalo na sa mga maysakit.

Binigyang-diin ng kardinal na ang pag-aalaga sa mga maysakit ay mismong pagsunod sa halimbawa ni Hesus na nahabag, nagpagaling, at nagbigay-buhay.

“Anuman ang magagawa natin para sa ikagiginhawa ng mga kapatid nating maysakit ay bahagi ng ating Kristiyanong pagsunod,” ayon kay Cardinal Advincula.

Iniugnay ni Cardinal Advincula ang diwa ng pagdiriwang sa turo ni Pope Leo XIV sa Dilexi Te, kung saan binibigyang-diin na ang pagkalinga sa mga nagdurusa ay nakaugat sa pagkilala sa presensya ni Kristo sa kanila at sa pagtulad sa Kanyang pag-ibig, na malinaw na inilalarawan sa talinhaga ng Mabuting Samaritano.

Binanggit din ng arsobispo ang patotoo ng mga banal at kongregasyong nag-alay ng buhay sa paglilingkod sa mga maysakit, kabilang sina St. Camillus de Lellis, St. John of God, St. Vincent de Paul, St. Louise de Marillac, at iba pa, bilang paalala na ang pag-aalaga ay hindi nasusukat sa laki ng sakripisyo kundi sa wagas na pag-ibig.

Ipinunto rin ni Cardinal Advincula na naaangkop ang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Maysakit sa kapistahan ng Mahal na Birheng Maria, dahil ang mahal na ina ay huwaran ng pag-aaruga sa mga nagdurusa.

“Ang sinumang nanay ay nababahala kapag mayroong maysakit o dumaraing sa kanyang mga anak. Ang sinumang ina ay matutuwa kapag nakikita niyang tinutugunan ng iba niyang mga anak ang pangangailangan ng kapatid nilang may karamdaman. Tiyak na ikalulugod ng ating Mahal na Ina na ang naranasan nating haplos ng pagmamahal mula sa kanya ay maipadama rin natin sa ating kapwa,” saad ni Cardinal Advincula.

Dalangin naman ng kardinal na sa patnubay ng Espiritu Santo at sa tulong ng Mahal na Birhen ng Lourdes, madama nawa ng mga maysakit ang pag-aaruga, pag-aaliw, at pagpapalakas mula sa Diyos.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “The compassion of the Samaritan: loving by bearing another’s pain,” na nagbibigay-diin sa malasakit sa mga maysakit at sa pag-aalay ng panahon ng mga healthcare worker, caregivers, at pamilya na nangangalaga sa kanila.

Itinatag ni Saint John Paul II noong May 13, 1992 ang World Day of the Sick, na ginugunita tuwing ika-11 ng Pebrero, kasabay ng Paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes, bilang araw ng panalangin, pagbabahagi, at paalala na makita ang mukha ni Kristo sa bawat kapwa na maysakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 18,452 total reads

 18,452 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 56,197 total reads

 56,197 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 74,408 total reads

 74,408 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,736 total reads

 158,736 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 195,233 total reads

 195,233 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,325 total reads

 80,325 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top