Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa ika-50 anibersaryo ng National Shrine of the Sacred Heart

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,930 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng National Shrine of the Sacred Heart, Makati ang mga mananampalataya na makibahagi sa ika-50 anibersaryo ng pagiging pambansang dambana ng Simbahan.

Ayon kay Rev. Fr. Roy Bellen -kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, Makati, naakma ang pagdiriwang ng dambana sa ika-14 ng Pebrero, 2026 na Araw ng mga Puso sapagkat sinasalamin nito ang Kamahal-mahalang Puso ng Panginoon na tuwinang nagmamahal sa bawat isa.

Paliwanag ng Pari, hindi dapat na malumbay ang sinuman sapagkat ang Panginoon ay laging kasama at minamahal ang bawat isa.

“Nagsimula na po kami ng aming paghahanda po ng pagdiriwang, since ilang araw na rin po itong pinaghahandaan. Baka you’re going to wonder February 14… Tamang-tama yung puso po ni Hesus talaga, yung mga wala pong, feeling niyo ay malungkot ang puso ninyo; wala po kayong ka-date; hindi po totoo ‘yan, meron po kayong ka-date palagi yung Kamahal-mahalang Puso ng ating Panginoon. Siya po ang inyong palagi pong nagmamahal sa inyo at ka-date po nating lahat ‘yan. So February 14, 2026 ito po yung ating gagawin pong kapistahan dito po sa National Shine (of the Sacred Heart, Makati).” Bahagi ng pahayag ni Fr. Bellen.

Hinihikayat din ng Pari ang lahat na muling magbalik-loob, magsisi sa mga kasalanan, at humingi ng kapatawaran upang maipahayag ang dedikasyon at pagtugon sa nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos para sa bawat isa.

“Kahit na masakit at nasaktan ang Panginoon [na] magmahal po sa atin, hindi po Siya sumusuko at hindi po [Siya] napapagod. Yun po yung one of the messages ng atin pong Sacred Heart. Kaya nga po ang tugon sa atin na hinihingi sana, yung yung reparation. Humingi tayo ng tawad. Tayo po ay maghangad din po ng atin, dedikasyon po sa Kanya, tumugon sa Kanyang nag-uumapaw at pag-ibig na hindi po napapagod, kahit po hindi po tinutugunan ng mga tao, kahit po nasaktan ng mga tao.” Dagdag pa ni Fr. Bellen.

Bago ang selebrasyon, sinimulan na ng dambana ang pagsasagawa ng Triduum Mass o ang tatlong araw na pagdiriwang ng Banal na misa mula ika-11 hanggang ika-13 ng Pebrero, 2026 tuwing ganap na alas-12:15 ng tanghali.

Pinangunahan ni Jaro Archbishop Midyphil Billones ang pagdiriwang ng banal na misa para sa unang araw; nakatakda namang pangunahan ni Iba Bishop Bartolome Santos ang ikalawang araw ng Triduum Mass; at si Archbishop Ryan Jimenez naman mula sa Agaña, Guam ang mangangasiwa sa ikatlong araw na banal na misa.

Samantala, pamumunuan naman ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na misa para sa mismong araw ng ginintuang anibersaryo ng dambana sa Pebrero 14, 2026.

Matatandaang January 11, 1976, itinaas bilang parokya ang kapilya ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa Makati kung saan makalipas ng isang buwan, February 14, 1976 ay opisyal itong itinatag ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang pambansang dambana.

 

Written with Veritas Intern Bryan Acosta

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 43,680 total reads

 43,680 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 123,607 total reads

 123,607 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 157,054 total reads

 157,054 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 192,353 total reads

 192,353 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 417,225 total reads

 417,225 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top