Impeachment complaint kay Robredo, walang basehan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 356 total reads

Walang matibay na batayan ang impeachment complaint na isinampa kay Vice President Leni Robredo kung ibabatay lamang ito sa ipinadalang video message ng bise presidente sa pagpupulong ng United Nations Commission on Narcotics Drug.

Ayon kay Veritas 846 Senior Political Advisor Prof. Ramon Casiple – Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform, dahil sa demokrasyang umiiral sa bansa ay may karapatan ang mga opisyal ng pamahalaan na maghayag ng kanilang puna at kumento sa kasalukuyang estado ng bansa na hindi maituturing na betrayal of public trust o culpable violation of the constitution.

Paliwanag ni Casiple, maari lamang tugon ito ng mga taga-suporta ng Pangulo sa una nang inihaing impeachment complaint laban dito.

“Actually walang basis kung usapin lang ng substance yung video na sinasabi, in a democracy you are allowed to do it lalo na kung opposition ka, wala namang anything na puwedeng sabihing betrayal of public trust or culpable violation of the constitution, mga grounds yan na mabibigat, kaya nga tingin ko dun immediate reaction dahil dun sa impeachment complaint na inihain against the President…”pahayag ni Casiple sa panayam sa Radio Veritas.

Gayunpaman, ipinatitigil ng Pangulong Duterte ang pagsasampa ng kaso laban sa bise presidente na isang halal na opisyal ng bayan at makasisira lamang sa kasalukuyang istruktura ng pamahalaan.

Nauna rito, iginiit ni San Beda College Graduate School of Law dean Father Ranhilio Aquino na hindi pagtataksil sa bansa ang mga pahayag ni Robredo sa U-N.

See: http://www.veritas846.ph/mensahe-ni-robredo-sa-un-hindi-pagtataksil-sa-pilipinas/

Bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan ukol sa politika ang seryoso at kawalan ng sariling interes ng bawat opisyal sa posisyon at kapangyarihan upang tunay na mapaglingkuran ang taumbayan ng tapat at dalisay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,763 total reads

 78,763 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,387 total reads

 126,387 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 174,258 total reads

 174,258 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 278,206 total reads

 278,206 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,642 total reads

 360,642 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top