‘Faith Beyond Doubt’: Jesuit Commission, hinikayat ang mga Pilipino na panindigan ang Diwa ng EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,678 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Jesuit Commission on the Social Apostolate sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.

Sa inilabas na pahayag na may pamagat na “Faith Beyond Doubt,” sinabi ng komisyon na nakikiisa ito sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipino na alalahanin, magsisi, at kumilos nang may tapang at pagmamahal para sa patuloy na pag-unlad ng bansa.

Ayon sa komisyon, sa kabila ng paglaganap ng maling impormasyon at historical revisionism, mahalagang sariwain ang alaala ng mga bayani ng EDSA at ang kuwento ng mamamayang nagkaisa laban sa diktadura.

“That is, we recall and celebrate the memories of those fateful and miraculous days when Filipinos courageously and peacefully fought for democracy and freedom. We repent for and own up to wasting the opportunity for real and inclusive progress and development that EDSA gave us. And we respond to or collectively work for the continuing and difficult challenge of nation-building,” ayon sa pahayag ng Jesuit Social Apostolate Commission na nilagdaan nina Fr. Nono Alfonso SJ, Rene DG Banez, Fr. Junjun Borres SJ, Fr. Manoling Francisco SJ, Marlene Gatpatan-Bedia, Dr Anna Marie Karaos, Fr. Karel San Juan SJ, at Fr. Jett Villarin SJ.

Binigyang-diin din ng komisyon na ang paggunita ay hindi lamang pagdiriwang, kundi isang panawagan sa pagsusuri ng sarili—tulad ng pagharap ni Hesus sa mga tukso sa ilang—upang manatiling tapat sa katotohanan at sa mga pagpapahalagang ipinaglaban.

Bagama’t may mga kritiko na nagsasabing limitado ang naging epekto ng EDSA, hindi maikakaila ang mga nagawa nito, kabilang ang pagpapatibay ng demokrasya, pagpapanumbalik ng Kongreso at Korte Suprema, pagbuhay sa malayang pamamahayag, at pagkakaroon ng mas demokratikong Saligang Batas.

Hinimok ng Jesuit Commission ang lahat na huwag mawalan ng pag-asa sa harap ng patuloy na hamon ng pagpapatibay at pagpapaunlad ng bansa.

Ayon pa sa pahayag, tulad ng 40-taong paglalakbay ng Israel sa disyerto, kinakailangan ang tiyaga at matibay na pananampalataya upang makamit ang tunay na kaunlaran at ganap na demokrasya sa Pilipinas.

“We cannot give in to despair, for like in EDSA 1986, we have faith in the Filipino spirit. We also believe that God remains with us. Just as the Spirit led Christ into the desert and accompanied Him in His mission, God also led us to EDSA. And God continues to journey with us as we build our country upon the continuing legacy and spirit of EDSA.”

Sa paggunita sa EDSA, naniniwala ang komisyon na patuloy na kasama ng Diyos ang bayan, at ang diwa ng pagkakaisa at tapang noong 1986 ay nananatiling gabay sa paghubog ng kinabukasan ng Pilipinas.

Ang Jesuit Commission on the Social Apostolate ay isng natatanging lupon na nangangasiwa at nag-uugnay sa misyon ng mga Heswita sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan, pananampalataya, at pagkakasundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 23,326 total views

 23,326 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 197,260 total views

 197,260 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 174,893 total views

 174,893 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 238,182 total views

 238,182 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 256,273 total views

 256,273 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top