Maagap na pagtugon sa mga nangangailangan, tiniyak ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,116 total views

Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kagyat na pagtugon sa kalagayan ng mga nangangailangan sa lipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay agarang pakikiisa at pagtugon ang Caritas Philippines sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Intramuros, Maynila noong ng Pebrero 26, 2026.

Ayon kay Bishop Alminaza, agad na nagpakilos ang Caritas Philippines upang maghatid ng pagkain at pangunahing pangangailangan sa mga naapektuhan pamilya ng naganap na sunog.

Paliwanag ng Obispo, hindi lamang materyal na tulong ang layunin ng kagyat na pagtugon ng Caritas Philippines kundi ang patuloy na pag-alalay sa mga naapektuhang pamilya sa proseso ng kanilang muling pagbangon.

“As families in Intramuros face the aftermath of fire, Caritas Philippines immediately mobilized to provide food and basic assistance. Beyond relief, we offer accompaniment — because rebuilding lives requires more than materials; it requires community.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na sa gitna ng sakuna, mahalagang ipadama sa mga nasunugan na hindi sila nag-iisa sa kanilang pagdurusa.

Giit ng Obispo, ang muling pagbangon ng komunidad ay nangangailangan hindi lamang ng tulong-pinansyal o materyal kundi ng pagkakaisa, malasakit, at sama-samang pagkilos ng Simbahan at lipunan para sa mga higit na nangangailangan.

“No one is left alone in their suffering. Disaster exposes vulnerability. Solidarity reveals who we are. From ashes, we rebuild — together.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Sa iniyal na ulat, sumiklab ang malawakang sunog noong madaling-araw ng Pebrero 26, 2026 sa isang residential area sa loob ng Intramuros na kilala bilang “Maisan” sa Barangay 655, Intramuros, Maynila, malapit sa Cabildo at Anda Streets.

Tinatayang nasa 300 kabahayan ang naabo at humigit-kumulang 600 pamilya ang nawalan ng tirahan, habang patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibilidad ng arson sa sunog.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 27,828 total views

 27,828 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 77,842 total views

 77,842 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 73,711 total views

 73,711 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 109,352 total views

 109,352 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 116,372 total views

 116,372 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top