Kahinahunan,hiling ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,006 total views

Nanawagan si Bishop Paolo Martinelli, OFM Cap., ang Apostolic Vicar ng Apostolic Vicariate Southern Arabia, sa mga mananampalataya na manatiling mahinahon at magkaisa sa panalangin sa gitna ng umiigting na sitwasyon sa Middle East.

Sa kanyang mensahe, iginiit ng obispo ang kahalagahan ng kapanatagan at pagsunod sa mga umiiral na alituntunin ng pamahalaan para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

“I appeal to all of you, dear faithful of the Apostolic Vicariate of Southern Arabia, to remain calm and serene, while at the same time carefully follow all instructions given by our civil authorities,” ayon kay Bishop Martinelli.

Binigyang-diin ng obispo na higit kailanman ay kinakailangan ang pagkakaisa ng mga mananampalataya sa pananalangin para sa kapayapaan.

“Most of all, it is a time for all of us to remain united in prayer for peace,” pahayag pa ng obispo.

Hinikayat ni Bishop Martinelli ang mananampalataya na idulog sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng santo rosaryo ang pag-iral ng pagkakasundo tungo sa mapayapang lipunan.

“I invite you all to pray the rosary every day for peace and reconciliation,” dagdag ni Bishop Martinelli.

Inatasan din ng obispo ang lahat ng parokya na isama sa pagdiriwang ng Banal na Misa ang panalangin para sa kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon.

“During all Holy Masses, let us pray for peace and security of all people in this region,” ani pa ng Apostolic Vicar.

Ipinagkatiwala ni Bishop Martinelli sa Panginoon ang kaligtasan ng bawat pamilya at hiniling ang paggabay ng Mahal na Birhen at ng mga banal para sa pagkakaloob ng tunay at pangmatagalang kapayapaan.

Patuloy namang nananawagan ang Simbahan sa mga mananampalataya na maging instrumento ng pagkakaisa, pananalig at pag-asa sa harap ng mga hamon at kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 40,891 total views

 40,891 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 64,043 total views

 64,043 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 134,157 total views

 134,157 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 208,771 total views

 208,771 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 285,838 total views

 285,838 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top