Maagap na pagtugon sa mga nangangailangan, tiniyak ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,186 total views

Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kagyat na pagtugon sa kalagayan ng mga nangangailangan sa lipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay agarang pakikiisa at pagtugon ang Caritas Philippines sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Intramuros, Maynila noong ng Pebrero 26, 2026.

Ayon kay Bishop Alminaza, agad na nagpakilos ang Caritas Philippines upang maghatid ng pagkain at pangunahing pangangailangan sa mga naapektuhan pamilya ng naganap na sunog.

Paliwanag ng Obispo, hindi lamang materyal na tulong ang layunin ng kagyat na pagtugon ng Caritas Philippines kundi ang patuloy na pag-alalay sa mga naapektuhang pamilya sa proseso ng kanilang muling pagbangon.

“As families in Intramuros face the aftermath of fire, Caritas Philippines immediately mobilized to provide food and basic assistance. Beyond relief, we offer accompaniment — because rebuilding lives requires more than materials; it requires community.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na sa gitna ng sakuna, mahalagang ipadama sa mga nasunugan na hindi sila nag-iisa sa kanilang pagdurusa.

Giit ng Obispo, ang muling pagbangon ng komunidad ay nangangailangan hindi lamang ng tulong-pinansyal o materyal kundi ng pagkakaisa, malasakit, at sama-samang pagkilos ng Simbahan at lipunan para sa mga higit na nangangailangan.

“No one is left alone in their suffering. Disaster exposes vulnerability. Solidarity reveals who we are. From ashes, we rebuild — together.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Sa iniyal na ulat, sumiklab ang malawakang sunog noong madaling-araw ng Pebrero 26, 2026 sa isang residential area sa loob ng Intramuros na kilala bilang “Maisan” sa Barangay 655, Intramuros, Maynila, malapit sa Cabildo at Anda Streets.

Tinatayang nasa 300 kabahayan ang naabo at humigit-kumulang 600 pamilya ang nawalan ng tirahan, habang patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibilidad ng arson sa sunog.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 38,052 total views

 38,052 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 61,204 total views

 61,204 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 131,318 total views

 131,318 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 205,932 total views

 205,932 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 283,220 total views

 283,220 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,994 total views

 5,994 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top