Bishop Santos,umaapela ng dasal para sa kaligtasan ng mga OFW sa gitnang silangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,826 total views

Umapela ng panalangin at pakikiisa si Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan kasunod ng tumitinding sigalot sa rehiyon.

Paalala ni Bishop Santos sa mga Pilipino sa mga apektadong lugar na manatiling mapagmatyag at alerto sa lahat ng oras para sa kanilang kaligtasan.

“For your safety and well-being, I strongly advise you to remain in your respective homes and places of work, to avoid unnecessary travel, and to faithfully follow the instructions of our Embassy officials and all legitimate authorities,” pahayag ni Bishop Santos.

Ang panawagan ng obispo ay kasunod ng ulat hinggil sa malawakang operasyong militar ng Amerika at Israel laban sa Iran na naglalayong pahinain ang kakayahang militar at nuclear ng bansa.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang patuloy na paglala ng sitwasyon ay may malawak na implikasyon hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.

“This conflict threatens not only the stability of the Middle East but also the peace of the world,” ayon sa obispo.

Nagbabala rin ang obispo sa magiginf epekto ng digmaan sa mga sibilyan.

“Such escalation heightens tensions in an already volatile region and places countless civilian lives at risk,” ani Bishop Santos.

Partikular na tinukoy ng obispo ang kalagayan ng mga Filipino seafarers at migrant workers sa Gitnang Silangan at mga karatig-bansa, at tiniyak ang panalangin ng Simbahan para sa kanilang kaligtasan.

Bukod sa paalala sa kaligtasan, hinimok din ng obispo ang mga mananampalataya na manatiling tapat sa paninindigan para sa kapayapaan.

“As Christians, we are called to be peacemakers… and to stand firm in our commitment to peace, justice, and reconciliation,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Hinimok din nito ang publiko na huwag maging manhid sa nangyayaring karahasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Let us not be indifferent. Let us remain vigilant in prayer and steadfast in hope,” panawagan ng obispo.

Umaasa si Bishop Santos na sa pamamagitan ng panalangin at sama-samang pagkilos ay manaig ang pagkakasundo at tuluyang magwakas ang karahasan sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 37,314 total views

 37,314 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 60,466 total views

 60,466 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 130,580 total views

 130,580 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 205,194 total views

 205,194 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 282,536 total views

 282,536 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top