“Virus of impunity”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Mga Kapanalig, may kakilala ba kayong naging disipulo ni dating Pangulong Duterte na uhaw sa dugo at naniniwalang ang karahasan at pagpatay ang tanging solusyon sa mga problema sa ating lipunan?

Sa unang araw ng confirmation of charges hearing ng dating presidente sa ICC para sa mga kasong crimes against humanity, sinabi ng abogado ng mga biktima ng extrajudicial killings na si Joel Butuyan na marami sa kanila ang natatakot na ibahagi ang kanilang kuwento. “Living hell” o malaimpiyerno raw ang buhay ng mga naulila ng madugong giyera kontra droga dahil sa pagbabanta, panggigipit, at pananakit ng mga “clones” ng sikat na mayor ng Davao. “He converted millions of peace-loving citizens into bloodthirsty disciples who have become converts to the belief that violence and killings are valid solutions to societal problems,” paglalarawan ni Butuyan.

Sang-ayon ba kayo sa sinabi niya?

Hindi maitatangging napakalaki ng impluwensya ni dating Pangulong Duterte sa maraming Pilipino. Walang preno ang kanyang bibig. Kahit Diyos at Santo Papa, minumura niya. Hindi niya alintana ang mga batikos tuwing binabastos niya ang mga babae. Hindi siya sanay sa mga pormal na pakikipagdaupang-palad. Kakausapin niya ang taumbayan sa paraang komportable siya, kahit madalas, walang kalinawan o walang direksyon. 

Higit sa lahat, hindi niya pinagtatakpan ang kanyang pagkiling sa karahasan. Lumaganap nga ang paniniwalang dahil sa kanyang kamay na bakal, naging mapayapa ang lungsod ng Davao. Buhay ng tao ang kapalit ng kapayapaan, kahit pa kadalasan, maliliit na drug users at drug pushers lang ang napatutumba. Hindi naman talaga nawala ang droga at mga krimen sa lungsod, pero sadyang marami ang napaniwalang kung nagawa niyang linisin ang Davao, magagawa rin niya sa buong Pilipinas.

Kaya hindi nakapagtatakang si Duterte ang nanalong presidente noong 2016. Umalingawngaw pa lalo ang banta niyang “I will kill you!” sa mga aniya’y sumisira sa ating bansa. Ilang buwan pa lamang sa puwesto, naglabas siya ng “shoot to kill” order na sinunod naman ng ating kapulisan. Kahit pa nga makapatay ang mga pulis dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin, ipinangako ni Duterte na hindi sila pananagutin sa batas. Siya raw ang mananagot. “I assume full responsibility because I was the one who ordered it,” pagtitiyak niya. Pinayuhan pa niya ang mga pulis na udyukan ang kanilang mga target na manlabán, at kung manlalaban sila, hindi nila kailangang mag-atubiling kalabitin ang gatilyo ng kanilang baril.

Iyon nga ang nangyari. Libu-libo ang pinatay sa ngalan daw ng kapayapaan at kaayusan. Sa kabila ng panaghoy ng mga naulilang pamilya at ng panawagan ng iba’t ibang grupo at sektor na itigil ang mga patayan, patuloy na dumanak ang dugo sa mga lansangan hanggang sa mga tahanan. Sa harap nito, marami sa atin ang pumiling piringan ang kanilang mga mata, takpan ang kanilang mga tainga, at itikom ang kanilang bibig. Ang iba, ginamit pa ang kanilang mga kamay para palakpakan ang isang lider na hayók na hayók sa karahasan.

Kabilang sila sa mga inilalarawan ni Atty Butuyan na nahawahan ng “virus of impunity.” Kumalat na raw ito sa ating bansa at nagmistula nang kanser na nakaapekto na sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sila ang mga kababayan nating hindi na pinahahalagahan ang batas, maging ang buhay ng kanilang kapwa. Tanggap nila ang karahasang pilit na binubuwag ng ating pananampalatayang Kristiyano. Ang nakalulungkot, kahit sa ating mga Katoliko, kalat din ang virus of impunity.

Mga Kapanalig, ipaalala natin lagi sa ating sarili ang mga salitang ito sa Mga Kawikaan 3:31, “Huwag kang maiinggit sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas.” Huwag tayong maging clone ng mga taong marahas. Labanan natin ang virus of impunity.

Sumainyo ang katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,049 total reads

 11,049 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,361 total reads

 12,361 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,084 total reads

 26,084 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,462 total reads

 63,462 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,732 total reads

 94,732 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,289 total reads

 170,289 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,258 total reads

 263,258 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 26,085 total reads

 26,085 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,463 total reads

 63,463 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,733 total reads

 94,733 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,290 total reads

 170,290 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top