Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,143 total reads

2nd Sunday of Lent Cycle A
Gen 12:1-4 2 Tim 1:8-10 Mt 17:1-9

Kung may gusto tayong gawin, lalo na kung ito ay hindi madali, kailangan nating malaman kung saan ito tutungo. Ano ba ang kahihinatnan natin sa paggawa nito. Mas maliwanag ang layunin at ang dahilan, mas lalo tayong masigasig sa pagsasagawa nito. Si Abram ay sinabihan ng Diyos na lisanin ang kanyang bayan at ang kanyang pamilya. Hindi ito madali. Kaya sinabi ng Diyos sa kanya na bibigyan siya ng lupa at magkakaroon siya ng malaking angkan na maninirahan doon. Pagpapalain siya at ang kanyang angkan at magiging pagpapala siya para sa maraming bayan. Naniwala si Abram sa sinabi ng Diyos. Kaya sumunod siya sa utos ng Diyos. Umalis siya sa lupain ng Haran at pumunta sa Canaan at nanirahan doon bilang dayuhan. Mapapasakanyang angkan din ito ayon sa pangako ng Diyos.

Ngayong nasa panahon tayo ng Kuwaresma, ano ang balak natin? Ano ang layunin natin? Hindi madali ang pinapagawa sa atin sa panahong ito. Kailangan tayong mag-ayuno at magpenitensiya. Magbigay tayo ng panahon para sa pagdarasal at pagbabasa ng Bibliya. Magkawanggawa tayo at tumulong sa ating kapwa. Bakit natin gagawin ang mga ito? Ang pagbabagong anyo ni Jesus ang nagbibigay sa atin ng dahilan sa mga gawaing ito. Ang layunin natin ay bagong buhay, isang buhay na matagumpay at maluwalhati. Ang kaluwalhatian ni Jesus sa kanyang pagbabagong anyo ay isang assurance ng kagandahan at kaluwalhatian na mapapasaatin, pero bago tayo makarating doon, dadaan muna tayo sa krus, didisiplinahin muna natin ang ating sarili. Tayo nga ay hinihikayat na gumawa ng mga penitensiya at sumama sa mga dasal. Para sa ano? Upang tayo ay magkaroon ng pagbabagong buhay tulad ni Jesus.

Si Jesus noon ay papunta sa Jerusalem. Nagsimula na siyang magsalita tungkol sa mangyayari sa kanya doon, na siya ay dadakpin, papasakitan, at papatayin at muling mabubuhay. Hindi naiintindihan ng mga alagad niya ang muling pagkabuhay – wala pa namang muling nabuhay noon – pero alam nila ang ibig sabihin ng papasakitan at papatayin, at ito ang natanim sa kanilang isip. Kaya nababahala sila. Baka ang iba ay nanghihina na ang loob. Baka napapaisip na ang ilan kung tama ba na sumunod sila kay Jesus. Akala nila si Jesus ay ang matagumpay na Kristo, bakit siya mamamatay sa Jerusalem? Bakit siya ipapako sa krus?

Doon sa bundok ng Tabor, kasama ang ilang piling mga alagad, nagbagong anyo si Jesus. Naging maluwalhati ang kanyang mukha at kasuotan. Nakita siyang nakikipag-usap kay Moises at kay propeta Elias tungkol sa mangyayari sa Jerusalem. Si Moises ay kumakatawan sa Batas na matatagpuan sa unang limang aklat ng Bibliya at si Elias naman ay kumakatawan sa mga propeta. Pinapakita sa pangitaing ito na ang mangyayari kay Jesus sa Jerusalem ay naaayon sa mga nasaad sa Banal na Kasulatan na nasa Batas ni Moises at mga sinabi ng mga propeta. Anumang kahirapan na mangyayari doon ay mauuwi sa kaluwalhatian. Kaya pinasilip sa mga alagad ang kadakilaan ni Jesus. Ang lahat ay uuwi sa tagumpay. Napakaganda ng karanasan ng tagumpay at kaluwalhati na napasabi si Pedro na doon na lang sila. Huwag na silang bumaba ng bundok. Manatili na lang sila doon. Igagawa na lang sila ng mga tolda para manatili sila sa itaas ng bundok.

Pero iba ang plano ng Diyos. Pinatotohanan ng boses na mula sa alapaap na si Jesus ay ang anak ng Diyos at nalulugod ang Diyos sa kanya. Kaya makinig at sumunod sila sa kanya – saan man siya pupunta, anuman ang mangyari sa kanya. At nawala ang pangitain at bumaba na sila sa bundok at nagpatuloy na pumunta sa Jerusalem.

Sa paglalakbay natin ngayong kuwaresma sinasamahan natin si Jesus sa kanyang pagpunta sa Jerusalem kung saan siya papasakitan at papatayin. Hindi madali ang panahon ng Kuwaresma. Kailangan tayong magpenitensiya, kailangan tayong maging matulungin sa ating kapwa at kailangan tayong magbigay ng panahon sa pagdarasal. Hindi madali ang mga ito pero pinapalakas ang ating loob. Ginagawa natin ang mga ito upang makiisa tayo sa tagumpay at kaluwalhatian ni Jesus. Iyan ang ating layunin. Ang mga ito ay magdadala sa atin ng pagbabago, at magandang pagbabago! Kailangan tayong manalig na ito ay mangyayari.

Ganyan din ang hinihinging pananalig kay Abram sa ating unang pagbasa. Kailangan siyang lumisan sa kanyang bayan at iwanan ang kanyang mga kamag-anak at pumunta sa lupa na ibibigay sa kanya ng Diyos. Kailangan niyang talikdan ang kasiguraduhan ng kanyang lupain at kanyang pamilya upang matamo ang pangakong dakilang lahi at pagpapala. Hindi lang siya ang pagpapalain. Ang lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa kanya. Iyan ang layunin – pagpapala sa lahat pero kailangan muna siyang tumaya, kailangan muna siyang manalig, kailangan muna niyang talikdan ang nasa kanya na, ang hawak na niya, ang kasiguraduhan ng kanyang pamilya. Iyan din ang hinihingi sa atin. Iwanan natin ang ating comfort zone at sumunod kay Jesus ngayong kuwaresma.
Maasahan natin si Jesus na ating sinusundan. Ang ginagawa niya ay kalugud-lugod sa Ama. Wasto ang kanyang landas. Huwag tayong matakot at mag-alinlangan. Sinabi ni Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Makihati tayo sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita at tutulungan tayo ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin.” Kaya ang sabi ni Jesus sa tatlong alagad ay sinasabi din niya sa atin: “Tumindig kayo at huwag kayong matakot.”

Tumindig na tayo at gawin ang mga gawain ng kuwaresma – magdasal, magpenitensiya at magkawanggawa. Huwag tayong matakot. Mararating din natin ang pagbabago. Makikiisa din tayo sa bagong buhay ni Jesus. Kung kasama natin siya sa pagkamatay sa lumang pagkatao natin na nagdadala ng katamaran, ng bisyo at ng galit at hinala, makakasama din niya tayo sa kaluwalhatian ng bagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 41,955 total reads

 41,955 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 89,136 total reads

 89,136 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 190,403 total reads

 190,403 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 260,579 total reads

 260,579 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 344,652 total reads

 344,652 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily November 8, 2026

 10,476 total reads

 10,476 total reads 32nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Wis 6:12-16 1 Thess 4:13-18 Mt 25:1-13 Sa kalendaryo ng simbahan ang buwan ng Nobyembre ay

Read More »

Homily November 1, 2026

 17,913 total reads

 17,913 total reads Solemnity of all Saints Rev 7:2-4, 9-14 1 Jn 3:1-3 Mt 5:1-12 Binabanggit natin sa ating Pananampalataya o ating Creed: Sumasampalataya ako sa

Read More »

Homily October 25, 2026

 18,957 total reads

 18,957 total reads 30th Sunday in Ordinary Time Cycle A Prison Awareness Sunday Ex 22:20-26 1 Thess 1:5-10 Mt 22:34-40 Naghahanap ang mga komokontra kay Jesus

Read More »
Scroll to Top