Military sector, malaki ang ambag sa krisis ng klima-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 461 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na hindi lamang mga tao ang nagiging biktima ng digmaan kundi maging ang kalikasan na patuloy na nasisira sa gitna ng armadong tunggalian.

Ayon kay Cardinal David, habang nakatuon ang pansin ng mundo sa malagim na epekto ng digmaan sa mga sibilyan at komunidad sa Middle East, madalas namang hindi napapansin ang pinsalang dulot nito sa kapaligiran.

“Beyond the suffering of people, war also wounds the Earth itself. Forests burn. Rivers are polluted. Soil is poisoned. Wildlife habitats collapse. The land that sustains life becomes a battlefield—and long after the guns fall silent, the environmental damage often remains,” ayon kay Cardinal David.

Ipinaliwanag niya na sa tuwing nagaganap ang digmaan ay nasusunog ang mga kagubatan, nalalason ang lupa at mga ilog, at nasisira ang mga ekosistemang sumusuporta sa buhay—mga pinsalang maaaring tumagal ng maraming henerasyon kahit matapos ang labanan.

Dagdag pa ni Cardinal David, malaki rin ang ambag ng sektor ng militar sa krisis sa klima dahil tinatayang umaabot sa 5.5 porsiyento ng pandaigdigang greenhouse gas emissions ang nagmumula sa mga operasyong militar.

Binanggit din ng kardinal na ang pinsalang dulot ng digmaan sa kalikasan ay tumatagal ng henerasyon, tulad ng naranasan sa mahigit 500 nuclear explosions noong 1945 hanggang 1996, at maaaring magdulot ng madilim na kalangitan, pagkasira ng sistema ng pagkain, at gutom sa bilyon-bilyong tao.

“War, in other words, is not only a humanitarian catastrophe. It is also ecological self-destruction,” giit ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na makikita na ang mga bakas ng pinsala sa kapaligiran sa mga makabagong digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo, kung saan nasusunog ang mga kagubatan, nasisira ang sakahan, at nalalason ang mga ilog.

Iginiit niya ang panawagan ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ na ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay nangangailangan ng pagtalikod sa karahasan at pagsusulong ng kapayapaan.

“Peace is not only a humanitarian necessity. It is also a climate imperative. To protect creation, we must learn again the ancient wisdom that the prophets never stopped proclaiming: there can be no justice, no human dignity, and no future for the Earth without peace,” ayon kay Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 127,189 total reads

 127,189 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 160,518 total reads

 160,518 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 192,662 total reads

 192,662 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 258,725 total reads

 258,725 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 269,741 total reads

 269,741 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,857 total reads

 122,857 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top