Lipat na sa renewable energy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 719 total reads

Mga Kapanalig, patuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo! Walang dudang epekto ito ng giyera sa Middle East na pinanggagalingan ng langis at gasolina. Hindi rin nakatutulong ang pagsasara ng Iran sa Strait of Hormuz kung saan dumadaan ang maraming supply ng langis. . 

Apektado ang mga tsuper, magsasaka, at mangingisda. Kailangan ang mga produktong petrolyo para makabiyahe ang mga sasakyan, para sa irigasyon ng mga sakahan, at para makalaot ang mga bangka. Apektado rin tayong lahat dahil tiyak na tataas ang presyo ng pamasahe, mga bilihin, at maging ng kuryente. Umaaray tayong lahat.

Para kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pinuno ng Caritas Philippines, ipinapakita nito ang problema kapag nakadepende tayo sa imported na enerhiya! Ang langis ay mula sa fossil fuels na itinuturing na pinakamaruming pinagkukunan ng enerhiya. Kapag pinoproseso, pinatitindi ng fossil fuels ang pag-init ng ating planeta na isa sa mga sanhi ng climate change. Paliwanag pa ni Bishop Alminaza, mistulang panggatong din ang langis sa mga kaguluhan at giyera. Ang resulta: mas malalim na kahirapan at mas malawak na agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Ang fossil fuels ay nasa puso ng isang modelo ng kaunlarang hindi pangmatagalan. 

Panawagan ng obispo: pabilisin ng pamahalaan ang paglipat sa renewable energy (o RE) sources katulad ng solar, wind, at geothermal. Aniya, “Renewable energy is a peace strategy, a justice strategy and a national survival strategy and not simply a solution to the climate crisis.” Makatutulong ang RE sa pagsusulong ng mas mapayapa, mas makatarungan, at mas makakalikasang lipunan. Dito sa Pilipinas, kung makalilipat tayo sa RE, hindi na tayo aasa sa supply na nagmumula sa ibang bansa. Maisasalba natin ang ating sarili mula sa matitinding epekto ng mga pandaigdigang krisis, katulad ng nararanasan natin ngayon. 

Suportado ang panawagang ito ng iba’t ibang grupo. Para kay Fr. Edwin Gariguez, mula sa Apostolic Vicariate of Calapan at convenor ng Protect the Verde Island Passage (o VIP) Network, kailangan nang matuldukan ang mabigat nating pagdepende sa imported na fossil fuels. Dagdag niya, higit na peligroso ito para sa mga nasa isla, katulad ng Oriental Mindoro kung saan matatagpuan ang Calapan, dahil mananatili ang mga itong vulnerable sa mga pandaigdigang krisis na labas sa ating kontrol. Makatutulong din daw ang paglipat sa RE upang protektahan ang VIP kung saan dumadaan ang mga barko ng langis. Noong 2023, lumubog doon ang MT Princess Empress at mahigit walong-daang litro ng langis ang tumapon. Nasa 1.14 milyong ektarya ng marine ecosystem ang naapektuhan ng oil spill. 

Taong 2015 pa lang, nanawagan na si Pope Francis sa Catholic social teaching na Laudato Si’ na palitan na ang fossil fuels. Para sa yumaong Santo Papa, kailangang magkaroon ng mga progresibong hakbang upang mapag-aralan at makalipat tayo sa mas malilinis na pagkukunan ng enerhiya. Puna rin ng Santo Papa, mabagal ang tugon ng mga lider kung ikukumpara sa tindi ng hamong kinakaharap ng ating mundo. 

Inaatasan tayo ng Diyos sa Genesis 1:28 na pangasiwaan ang ating planeta. Sa kasamaang palad, bigo tayong protektahan ang ating iisang tahanan o common home. Sa gitna ng mga giyera sa mundo, makikita nating magkakakabit ang ating mga problema at hamon. Ang kawalan ng kapayapaan sa Middle East ay may epekto sa mga bansang milya-milya ang layo. Katulad ng problemang dulot ng limitadong supply sa langis, dama rin ng buong mundo ang epekto ng climate change

Mga Kapanalig, isulong natin ang makatarungang paglipat sa RE! Makatutulong ito sa pagkamit natin ng tunay na mapayapa, makatarungan, at makakalikasang mundo. 

Sumainyo ang katotohanan. 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,461 total reads

 29,461 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,353 total reads

 66,353 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 84,564 total reads

 84,564 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 168,892 total reads

 168,892 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,920 total reads

 204,920 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 29,462 total reads

 29,462 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,354 total reads

 66,354 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 84,565 total reads

 84,565 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 168,893 total reads

 168,893 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top