Pamahalaan, pinagpapaliwanag ng Caritas Philippines sa 18-trilyong utang ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,915 total views

Nanawagan ang Caritas Philippines sa pamahalaan ng pananagutan o accountability sa ginagawang pangungutang upang tugunan ang kinakaharap na krisis ng bansa.

Ginawa ni Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang panawagan sa pagdaraos ng national conference ng Association of Catholic Universities in the Philippines (ACUP) sa Camarines Sur.

Ayon sa obispo, mahalagang magamit ang inutang na pondo sa kapakanan ng mamamayan bagama’t may mga pagkakataong kinakailangang umutang ang mga bansa dahil sa mga krisis tulad ng pandemya, kalamidad, at pandaigdigang suliraning pang-ekonomiya.

“Countries sometimes borrow because of crises they cannot control: pandemics, climate disasters, global economic shocks, and rising interest rates,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza.
Nauunawaan ni Bishop Alminaza na ang pangungutang ng Pilipinas ay maaring makatulong para mapanatili ang serbisyo publiko sa panahon ng krisis.

Gayunman, kawawa ang mga mamamayan sa pagbabayad ng inutang na pondo ng pamahalaan na napunta lamang sa corruption.

Iginiit ng Obispo na hindi dapat isantabi ng pamahalaan ang accountability dahil direktang apektado ang buhay ng mga mamamayan sa pagbabayad ng utang na hindi nila napakinabangan.

“Borrowing can help sustain essential services during difficult times. But the responsibility for repaying those debts eventually falls on the nation. And in the end it is ordinary citizens who carry that burden. This is why accountability matters so much,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ang pampublikong utang ay hindi lamang simpleng usapin ng mga numero, kundi isang pangako na ginawa sa ngalan ng sambayanan dahil nararapat na ang mga pondong hiniram ay gamitin para sa kabutihang ng lahat at hindi sa kapakinabangan ng iilang opisyal ng gobyerno.

Sa datos ng Bureau of Treasury, umaabot na sa 18.13-Trillion Pesos ang utang ng Pilipinas noong Enero 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 64,586 total views

 64,586 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 139,200 total views

 139,200 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 219,279 total views

 219,279 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 262,418 total views

 262,418 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 259,626 total views

 259,626 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top