Maging matapang sa pagtatanggol sa buhay, hamon ni Bishop Mallari sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total reads

Hinimok ni Tarlac Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya na maging matatag sa pagtatanggol sa kabanalan ng buhay sa kabila ng iba’t ibang hamon at pagsubok sa lipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo sa isinagawang Penitential Walk for Life 2026 sa Diocese of Tarlac noong ika-21 ng Marso, 2026, na pinangunahan ng Council of the Laity ng diyosesis.

Ayon kay Bishop Mallari, ang sama-samang paglalakad ay hindi lamang pisikal na gawain kundi isang espiritwal na paglalakbay ng panalangin, pagsisisi, at paninindigan para sa dignidad ng bawat buhay, lalo na sa gitna ng mga suliraning kinahaharap ng bansa at ng mundo.

“Sa ating paglalakbay na ito, ating iharap sa Diyos ang ating taimtim na panawagan na itaguyod ang kabanalan at halaga ng bawat buhay, lalo na sa gitna ng mga hamon na kinahaharap ng ating bayan at ng buong mundo,” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Mallari.

Binigyang-diin din ng Obispo ang epekto ng mga digmaan, partikular sa Gitnang Silangan, kung saan maraming sibilyan, lalo na ang mga bata, ang nagdurusa at hinimok ang mga mananampalataya na maging matapang sa pagtatanggol ng buhay.

Nagbabala rin si Bishop Mallari sa umiiral na kultura ng paninira at pananakot, kabilang ang paggamit ng ‘trolls’ laban sa mga nagsusulong ng katotohanan at pananagutan sa lipunan.

“You will be bullied, you will be threatened dahil sa paninindigan para sa buhay, para sa katotohanan,” Dagdag pa ni Bishop Mallari.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Bishop Mallari ang kahalagahan ng pagkakaisa, lalo na sa loob ng pamilya, na nagsisilbing pangunahing pundasyon ng lipunan.

Ipinaalala rin ng Obispo ang turo ni Pope Francis hinggil sa pagpapatawad at pagmamahalan sa pamilya kung saan iginiit din ni Bishop Mallari na ang kakulangan ng pagkakasundo ay maaaring magdulot ng pagkasira ng ugnayan.

“Do not let the sun go down without reconciling with one another,” Paalala ni Bishop Mallari,

Dagdag pa ng Obispo, ang Penitential Walk ay paanyaya rin sa bawat isa na kilalanin ang sariling pagkukulang at magbalik-loob sa Diyos.

“Ang ating paglalakbay ay isang panawagan sa aktibong pananampalataya… maging tagapagtanggol ng buhay sa bawat pagkakataon,” ani Bishop Mallari.

Samantala, hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na patuloy na magtiwala kay Kristo bilang pinagmumulan ng lakas sa pagtatanggol ng buhay ng bawat nilalang.

“Remember… it is only through Him that we have power and the grace to persevere… in our desire to fight for life and to protect life,” Paalala pa ni Bishop Mallari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 19,875 total reads

 19,875 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 81,569 total reads

 81,569 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 127,267 total reads

 127,267 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 228,535 total reads

 228,535 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 297,613 total reads

 297,613 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top