Parokya hindi isang kapangyarihan, babala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,857 total reads

Mariing iginiit ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang parokya ay hindi dapat ituring na kapangyarihan, pag-aari, o pribilehiyo ng sinuman, maging ng mga pari, kundi isang larangan ng tapat na paglilingkod.

Sa kanyang homiliya sa Misa ng Krisma sa Antipolo Cathedral, binigyang-diin ng obispo ang malinaw na paalala sa mga pari hinggil sa pagtupad ng kanilang misyon sa bawat parokya na kanilang mapupuntahan.

“The parish is not our power. The parish is not our personal property. The parish is not our privilege,” ayon kay Bishop
Santos. Ayon sa obispo, ang pagtatalaga sa parokya ay hindi para sa pansariling interes kundi upang ipagpatuloy ang misyon ni

Kristo sa paglilingkod sa sambayanan. Babala ni Bishop Santos laban sa anumang anyo ng pag-aangkin sa mga simbahan at iginiit na ang parokya ay hindi dapat para sa pansariling kapakinabangan sapagkat ito ay ipinagkatiwala lamang sa pangangalaga at misyong pagpapastol.

“The parish is not our possession. It is not our piggy bank,” giit pa ni Santos. Hiling ng pastol na pagbutihin ang paglilingkod sa mga parokya, kabilang na ang maayos na pagkilos, pananalita, at
pakikitungo sa nasasakupang kawan. Hinimok din ni Bishop Santos ang mga pari na yakapin ang diwa ng pagsunod at kahandaang tumugon sa tawag ng
paglilipat saan mang lugar sila itatalaga. “Kung darating sa atin na tayo rin ay ilipat… atin pong tatanggapin sapagkat iyan ang ating sinumpaan,” saad ni Bishop
Santos.

Ipinaalala ni Bishop Santos na ang misyon ng Simbahan ay hindi pananatili kundi pag-alis upang ipahayag ang Mabuting
Balita.

Tinuligsa rin ng obispo ang labis na pagkiling sa kaginhawaan at pansariling kapakanan sa paglilingkod. “Sa parokya ay pagpapakasakit, hindi pagpapasarap… pagmamalasakit, at hindi pamamasyal,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin din ng obispo na ang tunay na yaman ng Simbahan ay hindi materyal kundi espiritwal sapagkat ito ay ang
Panginoong Jesus sa Santisimo Sakramento. Paliwanag pa ng obispo na ang parokya ay mismong sambayanan ng Diyos, ang mga taong bumubuo ng pamayanan.

Panawagan ng obispo sa mga pari at mananampalataya na ituon ang lahat ng gawain hindi sa sarili kundi para sa Diyos at sa kapwa.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,821 total reads

 1,821 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 59,431 total reads

 59,431 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 119,928 total reads

 119,928 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 139,016 total reads

 139,016 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 219,669 total reads

 219,669 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 318,692 total reads

 318,692 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top