6-milyong debotoi na nakiisa sa Alay Lakad sa Antipolo, pinasalamatan ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,202 total reads

Kinilala at pinasasalamatan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mahigit anim na milyong debotong nakiisa sa taunang Alay Lakad sa Antipolo.

Ayon sa obispo ang pagbubuklod ng mga deboto sa tradisyon tuwing Huwebes Santo ng gabi ay malinaw na tanda ng matatag at buhay na pananampalataya ng mga Pilipino.

“An estimated 6,082,234 pilgrims took part in this sacred journey. What a powerful testament to the living faith of our people!” ayon kay Bishop Santos.

Batay sa ulat ng Philippine National Police at pamahalaang panlalawigan, naging maayos, mapayapa, at disiplinado ang isinagawang paglalakbay ng mga mananampalataya patungo sa pa daigdigang dambana ng Mahal na Birhen sa Antipolo.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na kasalukuyang kura paroko ng dambana ang pagtalima ng mga deboto sa mga panwagang kaayusan ng pagtitipon.

“There were no untoward incidents, no reports of lost belongings, and cleanliness was faithfully observed. These are not small things; they are signs of a people deeply formed by faith and guided by love “ ani Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng Obispo na higit pa sa tradisyon ang naturang gawain, kundi isang konkretong pagsasabuhay ng pananampalataya.

“Together, you have shown that faith is not only professed in prayer but lived through responsible action and care for one another,” giit ni Bishop Santos.

Inilarawan din ng obispo ang Alay Lakad bilang isang malalim na pagpapakita ng debosyon sa Mahal na Birhen.

Sinabi ni Bishop Santos na ang naging daloy ng pilgrimage ay sumasalamin sa tunay na pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino bilang mga mananampalataya.

“We have shown our true face as a people: obedient, respectful, and loving children, walking together in faith toward our Mother,” dagdag ng obispo.

Pinasalamatan din ng Obispo ang lahat ng sektor na nakiisa sa matagumpay na pagdaraos ng gawain; ang mga deboto, volunteers, religious leaders, at mga ahensya ng pamahalaan na nagkaisa upang maipamalas ang disiplina, malasakit, at pananampalataya.

“From the depths of my heart, I thank each one of you—pilgrims, organizers, volunteers, and our partners in government and public service—for your dedication and commitment,” saad ni Bishop Santos.

Hiniling naman ng Obispo ang patuloy na paggabay at proteksyon ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa lahat ng mananampalataya, kasabay ng panalangin na gantimpalaan ng Diyos ang kanilang mga sakripisyo ng masaganang biyaya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 70,948 total reads

 70,948 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 103,075 total reads

 103,075 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 204,901 total reads

 204,901 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 245,459 total reads

 245,459 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 263,024 total reads

 263,024 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top