Radio Veritas, kinilala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,352 total reads

Nagsisilbi ang himpilan ng Radyo Veritas bilang ilaw para sa mga Pilipino at mananampalatayang nangangailangan ng katotohanan tuwing nakakaranas ng sakuna, pangamba at pagkalito sa lipunan.

Ito ang mensahe at pagbati ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa Radyo Veritas sa paggunita nito ng ika 57-taong anibersaryo simula ng maitatagag.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang ginagampanan tungkulin ng Himpilan higit na para sa mga Pilipino dahil bukod sa pagiging radio station ay nagbibigay ito ng pag-asa at pananampalataya sa puso ng bawat Pilipino, higit na ang mga naliligaw ng landas.

” Sa panahon ng kalituhan, kayo ang naging tinig na naglilinaw, Sa panahon ng sakuna, kayo ang naging daluyan ng malasakit. Sa panahon ng pangangailangan, kayo ang naging tulay ng pag-asa. For this, we give thanks—for your fidelity, your courage, and your unwavering service to the Church and to the nation,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Bilang pastol ay pinahalagahan din ng Obispo ang tatlong diwa nang Radyo Veritas, ito ay ang ‘Gratitude, Grow and Go Mission’ para sa sambayanang Pilipinas.

Una ay ang Gratitude dahil ayon kay Bishop Santos, malaki ang pasasalamat sa Panginoon sa Kaniyang pagbibigay ng biyayang ng Radyo Veritas para sa sambayanan Pilipino, kasunod ang Grow kung saan ipinananalangin ang patuloy na pagyabong ng himpilan upang higit pang makapagsilbi sa mga Pilipino.

Habang ang panghuli na GO ay panalangin ni Bishop Santos na higit pang mapalaganap nang Radyo Veritas ang katotohanan at mabuting balita ng Diyos para sa sanlibutan.

“Witnesses speak, stand, and serve—especially when truth is threatened and when hope is fragile. Radio Veritas, as you celebrate 57 years of mission, may you continue to be the voice that forms consciences, the light that guides hearts, and the bridge that brings God’s compassion to His people. May the Blessed Mother, Our Lady of Good Voyage, accompany you always. May the Holy Spirit strengthen your mission. And may the Lord reward your fidelity with renewed zeal and abundant grace.” bahagi pa ng mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Bilang pagkilala sa mga pastol, bumubuo, tagasuporta at kawani ng Radyo Veritas at idinaos ang 57th Year Anniversary sa Archdiocesan Shrine of Jesus the Way, the Truth, and the Life sa Pasay City noong April 05 2026, Easter Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,136 total reads

 226,136 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,867 total reads

 257,867 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,691 total reads

 359,691 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,253 total reads

 400,253 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,749 total reads

 411,749 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,721 total reads

 22,721 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top