Cardinal David, humingi ng paumanhin sa insidente ng animal abuse sa Malabon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,446 total reads

Humingi ng paumanhin si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kaugnay ng insidente sa Salubong noong Linggo ng Pagkabuhay sa Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception sa Malabon City, kung saan ginamit ang kalapati sa tradisyon habang nakatali ang mga pakpak nito at ikinabit pa sa mga lobo.

Ayon kay Cardinal David, walong dekada nang ginagawa ng nasabing parokya ang tradisyon.

“Ako na po ang humihingi ng paumanhin sa nakaugaliang tradisyon doon sa parokya ng Concepcion sa Malabon. Walong dekada na pala nilang ginagawa ang tradisyon na iyon. Akala ko kasi tapos na ‘yung Salubong ‘pag nahablot na ng kalapati ang itim na belo,” ayon kay Cardinal David sa kanyang homiliya nitong Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay sa San Roque Cathedral Parish.

Sinabi ng kardinal na tunay ngang kalupitan ito hindi lamang sa ibon, kundi maging sa mga isda na makakalunok ng mga lobo pagbagsak ng mga ito sa dagat.

Tiniyak naman ni Cardinal David na hindi na mauulit ang ganitong insidente sa mga susunod na pagdiriwang ng Salubong sa parokya ng Concepcion, maging sa iba pang parokya sa diyosesis.

“Kaya rest assured po, pinakikiusap ko na sa mga organizer ng Salubong na huwag na pong uulitin sa susunod na taon,” ayon kay Cardinal David.

Samantala, naglabas ng bukas na liham ang Animal Kingdom Foundation (AKF) hinggil sa hindi makataong pagtrato sa mga hayop sa mga relihiyosong pagdiriwang.

Iginiit ng AKF na ang paggamit ng buhay na hayop sa paraang nagdudulot ng stress o pinsala ay taliwas sa pagpapahalaga sa habag, pangangalaga, at malasakit sa lahat ng nilikha.

“We respectfully emphasize that symbolism should never come at the expense of the welfare and humane treatment of living creatures,” saad ng AKF.

Paliwanag pa ng grupo na ang anumang gawain na nagdudulot ng pagpigil, pagbitin, o pagpapahirap sa mga hayop ay paglabag sa Republic Act No. 8485, o ang Animal Welfare Act of 1998 na binago ng RA 10631, na nagtataguyod ng proteksyon ng mga hayop laban sa kalupitan, pang-aabuso, kapabayaan, at pagdurusang hindi kinakailangan.

Nananawagan ang AKF ng masusing pagsusuri sa insidente, malinaw na patnubay sa makatao at etikal na pagtrato sa hayop, at paggamit ng alternatibong simbolo na hindi nangangailangan ng buhay na hayop upang maiwasan ang ganitong pangyayari sa hinaharap.

Binigyang-diin ng grupo na alinsunod ito sa mga aral ni San Francisco ng Assisi, na itinuturing na karapat-dapat ang lahat ng nilalang sa pangangalaga, dangal, at paggalang.

“We share this message in the spirit of compassion, accountability, and constructive dialogue. We remain hopeful that, together, we can ensure that our religious celebrations continue to reflect not only faith and devotion, but also kindness toward all living beings,” saad ng AKF.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,755 total reads

 231,755 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,486 total reads

 263,486 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,310 total reads

 365,310 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,873 total reads

 405,873 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,980 total reads

 416,980 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,382 total reads

 143,382 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top