Animal abuse sa Malabon, kinundena ng Laudato Si movement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,469 total reads

Nagpahayag ng matinding lungkot at pagkondena si Sr. Elizabeth Carranza, coordinator ng Laudato Si’ Movement Pilipinas, kaugnay ng insidente ng animal abuse sa isinagawang Salubong noong Linggo ng Pagkabuhay sa Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception sa Malabon City.

Ayon kay Sr. Carranza, labis siyang naapektuhan nang mapanood ang video ng insidente kung saan ginamit ang kalapati upang alisin ang itim na belo ng Mahal na Birheng Maria, habang nakatali ang mga pakpak nito at ikinabit pa sa mga lobo.

“I really cried while watching the video. I went to the Facebook page of the Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception. Sad to confirm, it really did. And there was already a lot of reaction there,” ayon kay Sr. Carranza.

Paliwanag ng madre na kahit may ilang nagsasabing hindi tunay ang ginamit na ibon, hindi pa rin nawawala ang mensahe sa maling pagtrato.

Binigyang-diin din ni Sr. Carranza ang mensahe ng ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis na nagsasabing magkakaugnay ang lahat ng nilikha, kaya’t ang anumang pinsala sa isang nilalang ay pinsala sa kabuuang sangnilikha.

“I outrageously denounce this act, not only because it is absolutely against the teaching of Laudato Si’ but also because I personally feel the pain of the dove in my bones,” ayon kay Sr. Carranza.

Samantala, labis rin itong ikinabahala ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at binigyang-diin na kahit may mabuting intensyon ang layunin ng tradisyon, hindi dapat pinapahirapan o sinasaktan ang mga hayop.

“The use of a live animal in a manner that causes distress or harm is inconsistent with the values of compassion, stewardship, and care for all of creation,” giit ng PAWS.

Dagdag pa ng grupo, bahagi ng pananampalataya ang pagiging mabuti at maawain sa lahat ng nilalang, kaya’t nananawagan ang PAWS ng mas makataong paraan sa mga relihiyong pagtatanghal, isang paraan na iginagalang ang kabanalan ng pagsamba at pinapangalagaan ang dangal at kapakanan ng mga hayop.

“Cruelty has no place in religious celebrations or in any type of gathering in our society. We hope that our shared values of care and devotion for the practice of faith will move us to show the same care and kindness to animals that are entrusted to us,” ayon sa PAWS.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,758 total reads

 231,758 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,489 total reads

 263,489 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,313 total reads

 365,313 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,876 total reads

 405,876 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,983 total reads

 416,983 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,383 total reads

 143,383 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top