Tambak na basura sa mga pilgrimage site, binatikos ng EcoWaste

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,539 total views

Binatikos ng EcoWaste Coalition ang patuloy na suliranin ng pagtatapon ng basura sa mga pilgrimage site at pampublikong lugar sa gitna ng paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Ayon sa grupo, bagama’t karamihan sa mga simbahan ay nanatiling malinis, kapansin-pansin pa rin ang kalat sa ilang lugar tulad ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, Good Friday Nazareno procession ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church, at Way of the Cross sa Our Lady of Lourdes Grotto Shrine sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Sinabi ni EcoWaste Coalition Zero Waste campaigner Ochie Tolentino na kahit paulit-ulit nang pinapaalalahanan ang publiko na huwag mag-iwan ng basura, marami pa rin ang nagkakalat kaya nadudungisan ang diwa ng Semana Santa, na parang naging nakasanayan na lamang.

“As old habits die hard, we urge everyone, especially our faith leaders and the faithful, to persevere in promoting shared responsibility towards ecological conversion, so we dispose of practices that disrespect and harm Mother Earth,” giit ni Tolentino.

Tinatayang mahigit anim na milyong deboto ang naglakad patungong Antipolo Cathedral para sa penitensiya at pasasalamat, ngunit nagkalat ng basura na nagdulot ng dagdag na trabaho sa mga waste and sanitation workers mula sa mga lokal na pamahalaan ng Pasig, Cainta, Taytay, at Antipolo, lalo na sa Tikling Junction na naging sentro ng kalat.

Naitala rin ang pagkalat ng basura sa Quiapo district sa Maynila sa ginanap na mahigit 13-oras na prusisyon ng Poong Jesus Nazareno na dinaluhan ng mahigit 500,000 deboto.

Sa Bulacan, napansin din ang tambak na basura sa Our Lady of Lourdes Grotto Shrine at maging sa National Shrine and Parish of the Divine Mercy sa Marilao, bagama’t hindi kasing lala ng mga nakaraang taon.

Sa isinagawang Lenten monitoring, nilibot ng Basura Patrollers ng EcoWaste Coalition ang 42 simbahan sa iba’t ibang lalawigan at Metro Manila sa kabila ng matinding init.

Kabilang sa mga nanguna sa kalinisan ang ilang simbahan sa Bataan, Batangas, at Cavite, lalo na ang Holy Spirit Chapel sa SVD Seminary sa Tagaytay City na mahigpit na nagpapatupad ng waste segregation alinsunod sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

Kinilala rin bilang litter-free ang mga simbahan sa Rizal, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, at Quezon City, kabilang ang Santo Domingo Church.

Nagpapasalamat naman ang EcoWaste Coalition sa mga lokal na pamahalaan, waste workers, at mga volunteer sa kanilang ambag sa pagpapanatili ng kalinisan at tamang pamamahala ng basura, kasabay ng panawagan sa publiko na isabuhay ang “ecological conversion” at responsableng pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 33,924 total views

 33,924 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 64,147 total views

 64,147 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 90,798 total views

 90,798 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 185,771 total views

 185,771 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 204,724 total views

 204,724 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top