Pagwasak sa buhay ng mamamayan, paglabag sa international law at dignidad ng bawat tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,963 total reads

Mariing iginiit ni Cebu Archbishop Alberto Uy na walang anumang sigalot ang maaaring magbigay-katwiran sa pagwasak ng buhay ng mamamayan at lipunan.

Ito ang mensahe ng arsobispo bilang suporta sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa kapayapaan sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East.

Ayon sa arsobispo, malinaw na paglabag sa international law at sa dignidad ng bawat tao ang mga karahasan.

“No conflict, regardless of its complexity, can ever justify the destruction of civilian life or the targeting of communities and infrastructure,” ayon kay Archbishop Uy.

Muling binigyang-diin ng arsobispo ang buong suporta sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa kapayapaan, pagpipigil, at paggalang sa buhay ng tao, lalo na sa harap ng banta ng malawakang pagkawasak.

Iginiit ng arsobispo na ang digmaan ay hindi solusyon sa krisis, subalit nagpapalala lamang ito ng pagkakahati-hati at pagkawasak.

“War does not heal wounds; it deepens them. It does not unite humanity; it divides us further,” ani Archbishop Uy.

Panawagan ni Archbishop Uy sa mga lider ng mundo na piliin ang landas ng dayalogo sa halip na komprontasyon at diplomasya kaysa karahasan.

Hinimok din ng arsobispo ang lahat ng mamamayan na makiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan at ipagtanggol ang mga inosente lalo na ang mga bata, matatanda, at maysakit na lubhang naaapektuhan ng digmaan.

“As a Church, we stand in solidarity with all victims of violence, especially our Christian brothers and sisters in regions of conflict who continue to endure fear, displacement, and injustice. In their suffering, we see the suffering of Christ Himself,” giit ni Archbishop Uy.

Sa huli, hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kapayapaan, na nananatiling posible sa tulong ni Hesus na muling nabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,759 total reads

 231,759 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,490 total reads

 263,490 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,314 total reads

 365,314 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,877 total reads

 405,877 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,984 total reads

 416,984 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top