Wakasan ang culture of impunity, panawagan ng CMSP-JPICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,306 total reads

Nanawagan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) kaisa ang mga mission partner, sa paghahanap ng katotohanan at pagtataguyod ng kapayapaan sa karahasang naganap sa Toboso, Negros Occidental.

Sa pamamagitan ng nagkakaisang pahayag ay ibinahagi ng grupo ang matinding kalungkutan sa pagkawala ng mga buhay, lalo na ng mga kabataan, na inilarawan ng CMSP-JPICC bilang hindi masukat na pinsala sa lipunan.

“The Conference of Major Superiors in the Philippines- Justice, Peace and Integrity of Creation Comission together with their Mission Partners raise its voice in the midst of the cacophony of voices, for and against, the alleged Toboso encounter. We are deeply saddened by the loss of lives. The young lives sacrificed are an immeasurable loss each of us has to bear.” Bahagi ng pahayag ng CMSP-JPICC.

Bagama’t kinondena ng grupo ang karahasan bilang paraan ng pagbabago, iginiit din ng CMSP-JPICC ang pangangailangang suriin ang mga ugat ng suliranin, kabilang ang kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay, at kakulangan ng oportunidad para sa mga nasa laylayan.

Ayon sa CMSP-JPICC, mahalagang maunawaan kung bakit may mga kabataang napipilitang tahakin ang mapanganib na landas, kasabay ng panawagan na itigil ang kultura ng karahasan at pananahimik sa harap ng mga istrukturang nagdudulot ng kahirapan at pagsasamantala.

“We continue to worship false gods of profit and exploitation. We continue to praise the elimination of our fellow Filipinos in the name of ideology or national security. We cannot be party to the violence in our midst. We cannot be complicit to the structures that breed poverty and exclusion.” Dagdag pa ng CMSP-JPICC.

Binigyang-diin din ng grupo, ang kahalagahan ng paghahanap ng katotohanan sa gitna ng magkakaibang salaysay ukol sa insidente, at ang pangangailangan ng isang malaya at patas na imbestigasyon.

Nanawagan ang grupo sa pamahalaan na bumuo ng isang independiyente at walang kinikilingang lupon upang siyasatin ang nangyari, at hinikayat ang lahat ng panig na umiwas sa mga pahayag na may bahid ng pagkiling.

Iginiit ng CMSP-JPICC na ang katotohanan ay mahalaga upang makamit ang katarungan, at ang katarungan ay susi sa tunay na kapayapaan.

“Truth is needed if we are to pursue justice. Justice is inextricably linked to peace. We call on the government to create an independent, impartial body to investigate the Toboso incident. We call on all parties to restrain themselves from partisan pronouncements. Let the truth be revealed and let justice flow like a river. We place our resources and our own consecrated persons in the service of truth and justice.” Ayon sa CMSP-JPICC.

Hinimok din ng grupo ang mamamayan na magsimula ng diyalogo at magtulungan upang manaig ang pagkakaisa at pagkilala sa dignidad ng bawat tao.

Samantala, nanawagan din ang CMSP-JPICC ng pagtigil sa pagdanak ng dugo at sama-samang pagsusulong ng kapayapaan para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 39,722 total reads

 39,722 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 73,900 total reads

 73,900 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 130,306 total reads

 130,306 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 251,918 total reads

 251,918 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top