Pag-iral ng politika sa impeachment case ni VP Duterte, babala ng CGG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,273 total reads

Nagbabala ang grupong Clergy for Good Governance (CGG) laban sa sinasabing pag-iral ng pulitika at kapangyarihan sa gitna ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa inilabas na pahayag ng CGG, lumalalim ang pangamba ng publiko kasunod ng biglaang pagbabago sa Senado na maaaring makaapekto sa patas at makatarungang pagdinig ng impeachment case.

“Now, as the country watches the second impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte, the sudden political movements inside the Senate are creating serious public concern. People fear that truth and justice may once again be sacrificed for political survival and alliances,” ayon sa inilabas na pahayag ng CGG.

Ayon sa grupo na binubuo ng mga pari at relihiyoso, sawa na ang maraming Pilipino na makitang pinangangalagaan ang mga nasa kapangyarihan habang nananatiling walang malinaw na pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno.

Binigyang-diin ng grupo na ang usapin ay hindi na lamang tungkol sa politika o personalidad, kundi pagsusulit na rin sa kakayahan ng mga institusyon ng bansa na unahin ang katotohanan, konsensya, at Saligang Batas higit sa pansariling interes.

“This is no longer just about personalities or politics. It is about whether our institutions still have the courage to place truth above power, conscience above convenience, and the Constitution above political interests.”

Nanawagan din ang CGG sa mga senador na panindigan ang kanilang moral at konstitusyonal na tungkulin bilang mga pinunong pinagkatiwalaan ng mamamayan.

“As clergy, we appeal not only to the minds of our senators, but also to their moral responsibility as leaders entrusted with the people’s trust. Outside the halls of the Senate are millions of Filipinos still hoping that justice in this country applies equally to everyone.”

Giit pa ng grupo, hindi dapat maging kanlungan ang Senado ng pag-iwas sa pananagutan at pagsasantabi sa katotohanan alang-alang sa mga kasunduang pulitikal.

Ipinapaalala ng CGG na nakasalalay ngayon sa Senado kung mapapanatili ang tiwala ng publiko o lalo lamang pagtitibayin ang paniniwalang pinoprotektahan ng makapangyarihan ang isa’t isa habang ordinaryong mamamayan ang nagsasakripisyo.

Ayon pa sa pahayag, “At this critical moment, the Senate must decide whether it will stand for truth and accountability, or strengthen the painful belief that the powerful will always protect each other while ordinary Filipinos suffer the consequences.”

Nanawagan ang grupo ng panalangin upang manaig ang integridad, kababaang-loob, at katapangan sa pamumuno ng mga opisyal ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 23,237 total reads

 23,237 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 108,643 total reads

 108,643 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 172,485 total reads

 172,485 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 260,002 total reads

 260,002 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 341,874 total reads

 341,874 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top