Malitis sa Senado si VP Duterte, dasal ng pari na complainant ng impeachment

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,286 total reads

Nananalangin si Father Joel Saballa na isa sa mga impeachment complainant laban kay Vice-president Sara Duterte na mabibigyan ng patas na pagkakataon ang impeachment proceedings laban sa Opisyal sa oras na tuluyang madinig ito sa Senado.

Ayon kay Father Joel Saballa, ikinagagalak niya kasama ang iba pang complainant ang boto ng 257 na mga kongresista na pumabor sa impeachment dahil naging sapat at nakita ng mga mambabatas na totoo ang mga basehan at ebidensya ang inihain na mga reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.

“Natutuwa kasi doon sa 257 na bumoto doon sa impeachment at nakikita nila na valid o yung ipresentan nating mga ebidensya, valid o yung mga na-present nating reklamo sa pangalawang Pangulo. At nakita naman natin yung fairness na ginawa ng Committee on Justice hanggang sa pagdidepensa nito sa Kongreso kahapon. Tayo’y nandoon din at kasama tayo sa proseso ng pakikinig doon sa Kongreso hanggang sa ito’y natapos. At yun nga, ngayon binabantayan natin ng Senado” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Saballa.

Ayon sa Pari, nakita rin nila ang pagiging patas ng House Committee on Justice sa naging pagtalakay at pagdepensa sa usapin sa Kongreso.

Umaasa rin ang Pari na agad na maipapadala sa Senado ang articles of impeachment upang kagyat na makapag-convene na ang impeachment court.

Nanawagan naman si Fr.Saballa sa mga senador na hayaang umusad ang proseso upang maipakita na nananatiling buhay ang demokrasya sa bansa at mabigyan ng pagkakataon na marinig ang panig ni Duterte gayundin ang mga ebidensyang ilalatag ng prosecution team mula sa Kongreso.

“At umaasa tayo na nanawagan tayo sa mga Senador na sana ay bigyan muna ng pagkakataon ang proseso nito.Ipagitan natin na buhay ang demokrasya sa ating bansa para magkaroon tayo ng pagkakataon na tayo ay makinig o marinig ano yung panig ng Pangalawang Pangulo.At the same time, mailatag naman ang ebedensya ng prosecution team na bubuin ng Kongreso.”

Iginiit pa ng pari na patuloy na makikiisa ang religious sector hanggang sa matapos ang impeachment proceedings bilang suporta rin sa mga naghain ng reklamo at ebidensya sa kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 121,411 total reads

 121,411 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,740 total reads

 154,740 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,884 total reads

 186,884 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,947 total reads

 252,947 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 264,408 total reads

 264,408 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top