CGG, nababahala sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 189 total views

Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, kasabay ng panawagang manaig ang pananagutan, integridad, at paggalang sa proseso ng batas.

Ang pahayag ni Fr. Puno, na pari ng Diyosesis ng Lucena at kasapi ng Clergy for Good Governance, ay kasunod ng pag-usad ng impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo matapos makuha ang kinakailangang suporta sa Kamara, na magbibigay-daan sa paglilitis sa Senado.

“Hindi lamang ito simpleng laban ng politika o bangayan ng magkakaibang kampo. Mas malalim dito ang tanong: May puwang pa ba ang pananagutan, katotohanan, at integridad sa ating pamahalaan?” pahayag ni Fr. Puno sa panayam ng Radyo Veritas.

Iginiit ng pari na hindi dapat ituring ang impeachment bilang simpleng hakbang upang tanggalin sa tungkulin ang isang opisyal, kundi isang prosesong itinakda ng Saligang Batas upang alamin ang katotohanan at papanagutin ang sinumang lingkod-bayan kung kinakailangan.

Dagdag niya, walang dapat ikatakot sa naturang proseso kung malinis ang konsensya, at hindi rin ito dapat gawing kasangkapan para sa paghihiganti o pamumulitika.

Binigyang-diin din ni Fr. Puno na nakababahala kung mas nangingibabaw ang katapatan sa personalidad kaysa katapatan sa katotohanan at kapakanan ng bayan, dahil maaari itong higit pang magpahina sa tiwala ng mamamayan sa mga institusyon ng pamahalaan.

“Kapag ang mga usapin ay agad hinahatulan batay sa kulay ng politika at hindi sa ebidensya, lalo lamang naghahati-hati ang sambayanan. Sa huli, ang talo ay hindi lang isang pulitiko kundi ang tiwala ng taumbayan sa ating mga institusyon,” ayon sa pari.

Hinimok din ng pari ang publiko na manatiling mapanuri at tapat sa katotohanan, dahil ang bawat krisis pampulitika ay direktang nakaaapekto sa mga mahihirap, manggagawa, at kabataang unti-unting nawawalan ng tiwala sa sistema.

Nanawagan din si Fr. Puno sa mga senador na gampanan ang kanilang tungkulin hindi bilang kaalyado ng sinuman kundi bilang mga lingkod ng bayan at tagapangalaga ng katotohanan.

“Huwag ninyong hayaang manaig ang takot, utang na loob, o pansariling interes kaysa sa sinumpaan ninyong pananagutan sa sambayanan,” giit ni Fr. Puno.

Dagdag pa ng pari, hindi perpektong mga lider ang hinihingi ng mamamayan kundi katapatan, pananagutan, at paggalang sa proseso ng batas, kasabay ng panawagang ipagdasal ang bayan sapagkat ang kinakaharap ng bansa ay hindi lamang krisis pampulitika kundi maging krisis moral at espirituwal din.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 27,438 total views

 27,438 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 112,197 total views

 112,197 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 129,933 total views

 129,933 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 175,365 total views

 175,365 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top