Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

11-member prosecution panel, buo na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,749 total views

Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.

Kabilang sa prosecution team ang mga mambabatas na abogado at kilalang personalidad sa larangan ng batas mula sa majority at minority bloc ng Kamara.

Kabilang sa mga napiling prosecutor sina Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima, Akbayan Party-list Representative Chel Diokno, House Justice Committee Chairperson Jinky Bitrics Luistro, Manila Third District Representative Joel Chua, at dating Dinagat Islands Representative Kaka Bag-ao.

Kasama rin sa panel sina Representatives Terry Ridon, Ysabel Zamora, Lordan Suan, Jonathan Keith Flores, Lorenz Defensor, at Rodge Gutierrez.

Ang prosecution panel ang maghahain ng Articles of Impeachment at mga ebidensya laban sa Bise Presidente sa oras na magsimula ang impeachment trial sa Senado.

Matatandaang inaprubahan ng Kamara ang impeachment complaint laban kay Duterte sa botong 257 pabor, 25 tutol, at siyam na abstention.

Kabilang sa mga paratang laban sa Bise Presidente ang umano’y maling paggamit ng mahigit animnaraang milyong pisong confidential funds, unexplained wealth, bribery, at pagbabanta umano kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.

Nag-ugat ang impeachment case sa serye ng pagdinig ng House Committee on Justice kung saan nagkaroon ng probable cause upang ituloy ang kaso sa Senado.

Inaasahang magsisilbing impeachment court ang Senado sa mga susunod na araw para dinggin ang reklamo laban sa Bise Presidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 66,338 total views

 66,338 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 87,403 total views

 87,403 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 110,425 total views

 110,425 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 148,150 total views

 148,150 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top