Bayan ang paglingkuran sa halip na isang pamilya, Bishop Pabillo sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,165 total reads

Nanawagan si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga Senador na dinggin at ayusin ang proseso sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ng Obispo na sa pamamagitan ng impeachment trial ay magkaroon na ng kaliwanagan hinggil sa mga kasong ipinaparatang sa Bise-presidente at maipakita sa mga Pilipino na walang sinuman, kahit pa ang mga naihalal na opisyal ang mas mataas pa sa batas.

“Kaya sana po itong mga senators natin, ang hahanapin nila ay ang ikakabuti ng bayan, at hindi ang kanilang katapatan sa iisang pamilya, dito po sa atin, ang pinaglilingkuran natin ay ang bayan at hindi iisang pamilya, at sila at nakaupo diyan kasi sila ay ibinoto ng taong bayan, kaya dapat ipalabas sa taong bayon ‘Ano ba ang nangyayari sa ating mga elected officials?’ magkaiba po yung dahilan ng impeachment process, kaya hinihingi ko po na maging fair ang ating mga senators, ang kanila pong loyalty ay wala sa isang pamilya at wala sa self-interest, ngunit dapat itong nasa taong bayan.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bishop Pabillo sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pag-apruba sa impeachment complaint laban sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Inihayag ng Obispo na ipinakita ng mga kongresista ang interes o kalooban ng taong bayan na dapat sundin ng mga naihalal na opisyal dahil pinaglulungkuran nila ang Pilipinas at hindi isang pamilya.

“Ako po’y nagpapasalamat sa mga Congress people na bumoto para sa impeachment ni Vice President Sara, kailangan po natin ang impeachment na ito upang mapakita po sa mga tao ang kalagayan ng ating bansa at ang ginagawa ng mga leaders atin. At ito po’y isang parang din upang mapanagot ang mga leaders sa atin na hindi dahil sila ay nasa posisyon, magagawa nila ang gusto nila,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 22,189 total reads

 22,189 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 107,595 total reads

 107,595 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 171,437 total reads

 171,437 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 259,059 total reads

 259,059 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 340,989 total reads

 340,989 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top