Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,473 total views

Ascension of the Lord Cycle A

World Communications Sunday

Acts 1:1-11 Eph 1:17-23 Mt 28, 16-20
Umakyat na si Jesus sa langit. Iniwan na niya tayo. Iyan ang akala ng marami ngayon at maaaring iyan din ang akala ng mga alagad noong nakatingala sila na sinusundan ng kanilang mga mata ang pag-akyat ni Jesus sa langit. Bye…bye. Wala na siya. Nandoon na siya sa Ama. Hindi ito ang tamang pag-intindi ng pag-akyat ni Jesus sa langit. Ito ang huling salita ni Jesus sa ebanghelyo ni Mateo na ating narinig: “Tandaan ninyo: Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” Kaya hindi tayo iniwan ni Jesus. Nagbago lang ang paraan ng kanyang presensiya sa atin.
Sinasabi natin sa ating creed: “Sumasampalataya ako na si Jesus ay umakyat sa langit at naluluklok sa kanan ng Ama.” Ano ang ginagawa niya sa kanan ng Ama? Doon siya patuloy na namamagitan para sa atin. At makakaasa tayo sa kanyang pamamagitan kasi alam niya ang ating kalagayan. Dala niya ang ating pagkatao sa harap ng Ama, kaya makakaasa tayo na hindi nawala, bagkus mas lalo pa ngang lumalim ang kanyang pagmamalasakit sa atin. Ang mga nasa langit ay hindi hiwalay sa atin. Patuloy ang kanilang pagtulong sa atin. Sinabi ni Sta. Teresita na sa langit mas magiging busy pa siya sa pagdarasal para sa atin, mas marami pa siyang matutulungan mula doon kaysa nandito siya sa lupa. Lalo na si Jesus! Hindi na lang ang mga taga-Galilea o taga-Jerusalem ang maaabot niya. Maaabot na niya ang lahat ng tao sa buong mundo at sa lahat ng panahon kasi nasa langit na siya. Kaya hindi tayo hiniwalayan ni Jesus kasi nandoon na siya sa kanan ng Ama.

Oo, ipinagdarasal niya tayo. Kaya itaas natin ang ating mga pangangailangan sa kanya. Kaya ang lahat ng dasal natin sa Ama ay hinihiling natin “sa pamamagitan ni Jesus.” Pero lalung-lalo nang ipinagdarasal niya tayo na magawa natin ang huling utos niya na gawin natin. At ano iyon? Na gawin nating alagad niya ang lahat ng bansa, na binyagan natin ang lahat sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, na turuan natin ang mga tao na sumunod sa pinag-uutos niya, na maging saksi niya tayo sa lahat. Gusto ni Jesus na ipagpatuloy natin ang kanyang gawain. Umakyat na siya sa langit na hindi pa tapos ang kanyang misyon kasi ito ay patuloy niyang ginagawa sa pamamagitan natin sa simbahan na kanyang katawan. Si Jesus pa rin ang gumagawa nito ngunit kasama na tayo at sa pamamagitan na natin. Ganoon kalaki ang kanyang tiwala sa atin. Huwag sana natin siyang biguin!

Pero huwag tayong matakot na hindi natin ito kaya kasi nangako siya na dahil sa kanyang muling pagkabuhay nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa at ito ay ibinigay niya sa atin. Makapangyarihan ang nag-utos sa atin at ang kapangyarihan niya ay kumikilos sa atin. Ang dasal ni San Pablo ay siya din sanang dasal natin. Ano iyon? “Sana liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo…. ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya.” Kumikilos sa atin ang kapangyarihan ni Jesus, ang kapangyarihan na muling bumuhay sa kanya. Alam ba natin ito? Ito ay kumikilos sa atin upang magampanan natin ang ipinagagawa niya sa atin. Makakayanan natin ang ating misyon hindi dahil sa ating galing o tapang, kundi dahil sa kapangyarihan din na galing sa kanya! Kaya nasa atin ang kanyang Espiritu, na walang iba kundi ang Espiritu Santo.

Isa rin sa nagpapalakas ng ating loob ay ang pag-asa na binubuhay sa atin ng pag-akyat ni Jesus sa langit. Minsan sinabi ni Jesus na siya ay aalis upang ipaghanda tayo ng matitirhan. Ang bahay ng kanyang Ama ay may maraming silid. Ipaghahanda niya tayo doon ng lugar at babalik uli siya para tayo ay kaunin upang kung nasaan siya, tayo din ay duroon. Ang kapistahang ito ay nagbibigay sa atin ng pag-asa. Babalik uli siya at isasama tayo kung nasaan siya. Hindi ba ito rin ang sabi ng dalawang anghel sa mga alagad noong nakatingala sila na sinusundan ang pag-akyat ni Jesus sa langit na parang iniwan na sila? “Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.” Babalik uli siya! Pinanabikan natin ito. Umaasa tayo rito. Aakyat din tayo sa langit. Makalangit tayo!

Inuudyok po tayo ng ating kapistahan ngayon sa dalawang direksyon. Una, dito sa lupa. May misyon tayo. Iniwan sa atin ang kapangyarihan ni Jesus upang ipagpatuloy natin ang misyon na pagpalaganap ng kaharian ng Diyos sa lahat. Marami-rami pa ang aabutin natin. Walong bilyon na ang mga tao sa mundo at hindi pa umaabot sa dalawang bilyon ang mga kristiyano. Kaya kailangan tayong magsipag. At huwag tayong matakot. Nangako siya na magiging kasama niya tayo hanggang sa wakas.

Ang pangalawang direksyon. Hinihikayat tayo ng kapistahan na tumingala sa langit at hangarin na makasama tayo doon ni Jesus. Doon sa langit matutupad ang lahat ng ating pinagsisikapan at inaasam. Hindi natin na-i-imagine ngayon ang kagandahan, ang kabutihan at ang kaligayahan na inihanda ng Diyos para sa atin. Kaya huwag tayong matakot sa anumang kabiguan o kahinaan o sa anuman ngang pagkakamali. Maitutuwid ang lahat sa langit.

Ang Ascension Sunday ay ang World Communications Sunday. Ito ay itinatag ni St. Paul VI noong 1967 upang kilalanin ang progress na ginawa ng mga tao sa pagpapalawak ng komunikasyon. Marami na ang naaabot ng mga tao ngayon sa social media. Sana ito ay gamitin sa pagtupad ng misyon natin na abutin ang lahat ng Magandang Balita. Pero mag-ingat tayo kasi nagagamit din ang social media na magpalaganap ng kasinungalingan. Sa halip na pag-isahin ang mga tao ng media of communication, pinaghihiwalay pa at pinag-aaway pa tayo. Hindi katotohanan ang kumakalat kundi kasinungalingan. Hindi pag-iibigan at pagtutulungan kundi hidwaan.

Huwag po natin ayawan ang social media. Bahagi na ito ng buhay. Mag-ingat lang tayo na hindi tayo mapasama nito. Kailangan ng disiplina upang hindi tayo masilo at maging addict nito. Huwag tayo maniwala sa lahat ng balita na natatanggap natin. Marunong dapat tayo magsuri at hiwalayin ang mabuti sa masama. Huwag tayong magkalat ng kasinungalingan at ng kasamaan. Sa halip, gamitin natin ang social media upang lalong maintindihan ang mensahe ni Kristo. Napakarami ding mabubuting pahayag dito, at tumulong tayong i-share ang magaganda at mabubuti.

Ngayong taon na ika-60 anibersaryo na ng World Communication Sunday, ang paksa ay “preserving human faces and voices.” Uso na ngayon ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) na madalas nadadala na lang tayo ng pananaw, hindi na ng konkretong tao kundi ng sinasabi sa atin ng AI. Kung hindi tayo maingat mawawala na ang pagkikipag-unayan natin sa kapwa tao kundi ang pananaw natin ay iyon na lang na sinasabi sa atin ng AI na iyan ay produkto ng isang programa. Habang ginagamit natin ang programa ng internet para magpalaganap ng Magandang Balita, sikapin natin na hindi mawala ang ating pakikipagkapwa tao sa direktang pakikipag-ugnay sa kanila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 8,864 total views

 8,864 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 39,087 total views

 39,087 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 65,738 total views

 65,738 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 160,711 total views

 160,711 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 181,510 total views

 181,510 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily July 5, 2026

 7,631 total views

 7,631 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »

Homily June 28, 2026

 15,958 total views

 15,958 total views 13th Sunday in Ordinary Time Cycle A St Peter’s Pence Sunday 2 Kgs 4:8-11.14-16 Rom 6:3-4. 8-11 Mt 10:37-42 Madaling sagutin ang tanong:

Read More »

Homily June 21, 2026

 19,017 total views

 19,017 total views 12th Sunday of Ordinary Time Cycle A Father’s Day Jer 30:10-13 Rom 5:12-15 Mt 10:26-33 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito.

Read More »

Homily June 14, 2026

 22,109 total views

 22,109 total views 11th Sunday in Ordinary Time Cycle A Ex 19:2-6 Rom 5:6-11 Mt 9:36-10:8 Nababahala ang Diyos sa atin. Hindi niya tayo nilikha, nilagay

Read More »
Scroll to Top