Pamumutol ng puno sa ngalan ng urban development, ikinababahala ng LLS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,716 total reads

Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Living Laudato Si’ (LLS) Philippines sa patuloy na pagputol ng mga puno sa Metro Manila para sa proyektong pang-imprastraktura at urban development, kasunod ng pagkawala ng mahigit 600 puno sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa grupo, hindi simpleng usapin ng kapaligiran ang pagkawala ng mga malalaking puno kundi isang usapin ng katarungang pangklima, pampublikong kalusugan, at dignidad ng mamamayan, lalo na sa gitna ng matinding init, pagbaha, polusyon sa hangin, at kakulangan ng mga pampublikong luntiang espasyo sa kalakhang lungsod.

Binigyang-diin ng LLS Philippines na hindi agad mapapalitan ng mga punla ang 617 malalaking puno na pinutol dahil aabutin pa ng maraming taon bago maibalik ng mga ito ang parehong benepisyong naibibigay ng ganap nang lumaking mga puno sa kalikasan at komunidad.

“Seedlings are future possibilities. Mature trees are present protection. Established trees already provide critical ecosystem services: cooling urban temperatures, absorbing floodwaters, filtering pollutants, storing carbon, reducing stress, supporting biodiversity, and creating more humane and livable public spaces,” pahayag ng LLS Philippines.

Nauna nang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may pahintulot ang pagputol ng 617 puno para sa Southern Access Link Expressway (SALEx) project ng San Miguel Corporation, na magdurugtong sa Skyway patungong Roxas Boulevard.

Iginiit din ng grupo na dapat kilalanin ang mga puno sa lungsod bilang mahalagang buhay na imprastraktura para sa pag-angkop at katatagan laban sa epekto ng pagbabago ng klima, at hindi bilang sagabal sa kaunlaran.

Dagdag pa ng LLS Philippines na hindi dapat sinusukat ang tunay na pag-unlad sa lawak ng mga kalsada at expressway habang lalong umiinit, sumisikip, at nagiging hindi makatao ang pamumuhay sa lungsod.

Nanawagan naman ang grupo sa pamahalaan na paghiwalayin ang tungkulin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa regulasyon at pangangalaga sa kalikasan upang matiyak na hindi isinasakripisyo ang kalikasan sa pag-apruba ng mga proyekto.

“The future of Manila will not only be defined by what is built, but by what society chooses to protect,” ayon sa LLS Philippines.

Nakasaad sa ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis na ang kalikasan ay hindi hiwalay sa tao at hindi lamang dapat ituring bilang simpleng lugar na tinitirhan.

Nanawagan din ang AKKaP ng pananagutan, transparency, at tunay na pangangalaga sa kalikasan sa lahat ng mga proyektong pangkaunlaran.

“Walang sustainable na kinabukasan kung patuloy nating pinuputol ang mismong nagbibigay-buhay sa atin,” ayon pa sa AKKaP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,100 total reads

 224,100 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,831 total reads

 255,831 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,655 total reads

 357,655 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,217 total reads

 398,217 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,854 total reads

 409,854 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 142,969 total reads

 142,969 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top