Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 107,345 total reads

Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19

Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili mo at gumagawa ka ng sarili mong lakad. Pagtanda mo, bibihisan ka nila at dadalhin ka kung saan di mo gustong pumunta. Sinabi raw ito ni Jesus para ipahiwatig kung anong klaseng kamatayan ang haharapin ni Pedro upang maparangalan ang Panginoon. At ang kasunod ay: “Sumunod ka sa akin.”

Sa ibang salita, “Tumulad ka sa akin.” Hinarap nga naman ni Hesus ang mga umusig sa kanya at nagpako sa kanya sa krus. Pero ayon sa tradisyon, kahit ganoon din ang haharaping kamatayan ni Pedro, matapos na isakdal siya at hukuman ng kamatayan sa krus, ipinakiusap daw niyang ibaligtad ang krus na pagpapakuan sa kanya. Paraan niya ito para sabihing malayo pa siya sa Panginoon na ibig niyang sundin at tularan.

Ang unang pagbasa naman ay tungkol naman kay San Pablo. Ikinukwento ng gobernador na Romanong si Festus ang eksena nang iharap kay gobernador na si Felix si Pablo. Ikinwento niya kung gaano katapang ito na humarap sa mga nagsampa ng sakdal laban sa kanya. At kung paano daw sinabi ni Felix sa mga nagsampa ng dimanda na hatulan siya: “Hindi ugali ng mga Romano na parusahan ang kahit na sinong nasasakdal nang hindi humaharap sa mga nag-aakusa sa kanya, at hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na masagot ang mga akusasyon laban sa kanya.”

“Due process” ang tawag sa Ingles sa tinutukoy ni Gobernador Festus. Noon pa man, bahagi na pala ang “due process” sa usapin ng paghahangad ng hustisya mula sa hukuman.

Parang napapanahon ang mga pagbasa natin ngayon sa mga naganap nitong nakaraang linggo sa Senado dito sa ating bansa. Kung sina San Pedro at San Pablo ay matapang na humarap sa mga nagsampa ng sakdal laban sa kanila, baligtad ang nangyari sa Senado. Nakipagpatintero ang inaarestong senador para makapasok ng senado, mabigyan ng protective custody at maidagdag ang boto niya para makabuo ng bagong mayorya at bagong liderato sa Senado.

Siyempre kung tinulungan siyang makapasok, tinulungan din siyang makalabas, kahit walang umaamin sa mga kaalyado. Mabuti nga siya, binibigyan ng oportunidad na dumaan sa due process ayon sa international law. Sa ilang libong taong pinaslang noong kasagsagan ng Tokhang, na masigasig niyang itinaguyod, walang due process, due process. Basta na lang tinutuldukan ang mga buhay.
Tuloy biglang ibinalik sa alaala ko iyung taon 2019 nang ako rin ay sinampahan ng limang kasong kriminal—kasama ang tatlong iba pang kapwa obispo at tatlong pari. Ang mga kaso diumano ay sedition, inciting to sedition, cyber libel, obstruction of justice at estafa. Mga kasong gawa-gawa, pero gayunpaman, humarap pa rin kami sa Piskalya. Salamat sa Diyos at mabilis na na-dismiss ang nasabing mga kasong ito at hindi na iniakyat sa korte.

Iyun kasi ang mga panahon na tinatanong ko, bakit ba halos araw-araw may pinapatay na diumano’y “drug suspects” na nanlaban—pero wala ni katiting na pribilehiyo ng due process para sa kanila?
Ipagdasal natin ang mga lingkod bayan natin sa Senado, lalo na ang bagong mayorya at liderato. Na sana, kung pareho ang Diyos na dinadasalan natin at Bibliyang binabasa natin, tularan din nila ang Panginoong kusa ring humarap sa mga nagsakdal sa kanya para managot, kahit wala siyang kasalanan. Huwag sana nilang malimutan na sila ay mga mambabatas na pinapasweldo ng bayan at nanumpa ng katapatan, hindi sa dating pangulo, kundi sa Konstitusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,876 total reads

 225,876 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,607 total reads

 257,607 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,431 total reads

 359,431 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 399,993 total reads

 399,993 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,520 total reads

 411,520 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE VINEYARD IS NOT OURS

 14,868 total reads

 14,868 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 14,619 total reads

 14,619 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »

THE SAINTS OF FRANCE COME ALIVE

 12,921 total reads

 12,921 total reads One of the most beautiful moments of Pope Leo’s visit to France was the spectacular presentation at the Stade de France, where some

Read More »
Scroll to Top