Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PINAKA-MATAGUMPAY NA COLLEGE BASKETBALLL PROGRAM: SINO ANG NAGPAPATAKBO?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,373 total views

Kapanalig, ang trahedya ng pagkamatay ng Ateneo Blue Eagles players na sina Rene Baterbonia at Nigerian athlete Divine Adili ay nagdulot pinaka-malawak na imbestigasyon sa kasaysayan ng collegiate sports sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon.

Dahil sa trahedya na pinilit pagtakpan at ilihim ng pamunuan ng Ateneo de Manila University nang halos isang lingo ay naging mitsa ng pagkamuhi at poot sa sambayanang Pilipino lalu na sa mga magulang ng nasawing incoming rookie na si Baterbonia gayundin sa Nigerian player.

Unang lumabas sa imbestigasyon ng PNP-Aurora na aksidente ang pagkamatay ng dalawang manlalaro matapos tangayin ng malakas na alon at nalunod. Ngunit dahil sa katahimikan ng pamunuan ng ADMU
at coach ng Ateneo Blue Eagles sa tunay na pangyayari.., lumikha ito ng malaking apoy at maraming katanungan hindi lamang sa mga magulang ng nasawing basketball player kundi maging sa taumbayan at mismong mga alumni ng prestihiyosong paaralan.

Nasilip sa imbestigasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group(PNP-CIDG) na ang operasyon ng pinaka-matagumpay na collegiate basketball program ay hindi pinapatakbo ng ADMU kundi sa pamamagitan ng “autonomous foundation” na pinopondohan ng Smart Communications. Ito ba ang dahilan ng pananahimik ng pamunuan ng Ateneo kaya ipinaubaya sa corporate PR ang pagpapaliwanag sa dahilan ng trahedya at paghingi ng apology gayundin ang pag-ako ng paaralan ng pananagutan sa mga magulang ng nasawing manlalaro?

Kapanalig, nakakalungkot ang nangyaring trahedya., ngunit isiniwalat nito ang katotohanan na ang collegiate basketball ay hindi na programang pangpalakasan ng mga atleta kundi naging isang commercial league na pinapatakbo ng mga corporate sponsor.

Upang protektahan ang kanilang investment natural lamang na ang araw-araw na operasyon ng koponan ay hawak ng corporate sponsor at hindi ng administrasyon ng paaralan. Sa nangyaring trahedya, lumitaw ang mga katanungang, sino ang dapat managot? Sino ang may responsibilidad sa trahedya, sino ang sisisihin sa kapabayaan sa inilihim na “off-season activity”?

Kapanalig, patuloy ang imbestigasyon sa trahedya. Tinututukan ng mga imbestigador ang anggulong homicide at hazing ang dahilan ng trahedya at hindi aksidente ang pangyayari.Nagresign na ang coach ng Ateneo Blue Eagles na siyang pasimuno ng off-season activity sa Dipaculao, Aurora., maging ang Presidente ng ADMU ay nagresign din ngunit hindi tinanggap na Board of Directors ng paaralan.

Kapanalig, isinawalat ng trahedya ang kinabukasan ng Philippine Collegiate Sports. Dapat maging malinaw ang tungkulin ng pamunuan ng paaralan at corporate partners sa kaligtasan at kinabukasan ng mga student-athlete.

Dahil sa panghahangad ng mga kolehiyo at unibersidad ng prestige (kasikatan) sa larangan ng sports at pangtanggap sa mga corporate sponsor na mangasiwa as sports program ay nalalantad sa kapahamakan ang mga student-athlete sa mga delikadong training programs.
Kapanalig, sa pagiging commercialization ng UAAP sports, ano nga ba ang “price of winning”?

Sinasabi ng Corinthians 12: 26-27- “If one part suffers, every part suffers with it; if one part is honored, every part rejoices with it. Now you are the body of Christ, and each one of you is a part of it.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 2,138 total views

 2,138 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Andaming sumasawsaw

 106,391 total views

 106,391 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 152,053 total views

 152,053 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 154,068 total views

 154,068 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

A WAY TO LATE?

 2,139 total views

 2,139 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Andaming sumasawsaw

 106,392 total views

 106,392 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 152,054 total views

 152,054 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 154,069 total views

 154,069 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »
Scroll to Top