Ipagdasal na manaig ang katotohanan sa pagkamatay ng student athlete na si Baterbonia, apela ni Bishop Labajo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,223 total reads

Nanawagan si Prosperidad Bishop Ruben Labajo sa mga mananampalataya na ipagdasal na manaig ang katotohanan habang nagpapatuloy ang pagdadalamhati at paghahanap ng mga kasagutan kaugnay ng pagpanaw ng student-athlete na si Rene Clert “Bobet” Baterbonia.

Sa kanyang homiliya sa wake Mass para sa yumaong atleta noong June 22 sa Talacogon Municipal Gymnasium sa Agusan del Sur, kinilala ng obispo ang matinding dalamhati hindi lamang ng pamilya kundi maging ng buong komunidad na nakasaksi sa mga pangarap at tagumpay ni Baterbonia bilang isa sa mga inspirasyon ng kabataan sa lalawigan.

Ayon kay Bishop Labajo, bagama’t mahirap tanggapin ang biglaang pagkawala ng isang kabataang puno ng pangarap at potensyal, mahalagang manatiling nakatuon ang lahat sa Diyos sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria habang patuloy na hinahangad ang katotohanan.

“Walay laing makahupay kanato kundi ang Diyos, way masulbad tungod sa atoang kapungot sa atong kayugot. Atong iampo nga unsay may kamatuoran mopatigbabaw gyud ug mahibaw-an sa tanan. Padayon ta mangayo ug mangita sa kamatuoran uban ang pag-ampo,” pahayag ni Bishop Labajo.

Ayon sa obispo, walang ibang makapagpapayapa sa tao kundi ang Diyos at walang malulutas kung paiiralin lamang ang galit at poot.

Hinikayat din nito ang mga mananampalataya na ipanalangin na manaig ang katotohanan at magpatuloy sa paghahanap nito sa pamamagitan ng panalangin.

Binigyang-diin ni Bishop Labajo na ang pagdadalamhati ay hindi dapat humantong sa pagkakahati-hati kundi magsilbing pagkakataon upang magkaisa sa paghahangad na lumitaw ang buong katotohanan.
“Kun itugot niya nga namatay si Bobet, ang Diyos maoy mas nasayod unsay makaayo sa iyang kinabuhi. Dili ta makasabot sa pagkakaron apan atong timan-an ug tuohan nga ang Diyos nahigugma kanato,” ani ng obispo.
[Kung ipinahihintulot ng Diyos ang pagpanaw ni Bobet, mas alam ng Diyos kung ano ang makabubuti para sa kanyang buhay. Maaaring hindi natin ito maunawaan sa ngayon, ngunit dapat nating tandaan na mahal tayo ng Diyos.]

Ipinaalala rin ni Bishop Labajo na ang buhay ay may hangganan at walang sinuman ang ganap na may kontrol dito kundi ang Diyos lamang.
Sa kanyang pagninilay, ginamit ng obispo ang larong basketball bilang larawan ng buhay at kamatayan.
“Mao kana ang leksyon sa kinabuhi: dili ang pagsugod ang importante, kundili ang katapusan,” giit ng obispo.

Kinilala rin nito ang malaking impluwensya ni Baterbonia sa maraming kabataan sa Agusan del Sur.
“Si Bobet nahimong inspirasyon dili lamang sa iyang pamilya apan sa daghang kabatan-onan,” ayon kay Bishop Labajo.

Dagdag pa ng obispo, “His life was never just about fame and the points he scored. It was about the lives he touched.”

Patuloy namang hinihikayat ng Diocese of Prosperidad ang mga mananampalataya na samahan ng panalangin ang pamilyang Baterbonia at manatiling nagkakaisa habang hinihintay ang paglilinaw sa mga pangyayari kaugnay ng insidente.

Sa kabila ng maagang pagtatapos ng kanyang buhay, sinabi ni Bishop Labajo na mananatiling buhay ang pamana ni Baterbonia sa mga kabataang kanyang nabigyang-inspirasyon na mangarap, magsikap, at magtiwala sa Diyos.

Matatandaang nasawi sina Baterbonia at kapwa student-athlete na si Divine Adili sa isang team-building activity ng Ateneo de Manila University men’s basketball team sa Dipaculao, Aurora noong June 8.

Kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang buong pangyayari at pananagutan kaugnay ng pagkamatay ng dalawang atleta.

Nagbitiw na rin sina ADMU head coach Tab Baldwin at team manager Christopher Quimpo kaugnay ng insidente. Samantala, tiniyak ng pamunuan ng unibersidad ang suporta sa mga naiwang pamilya at ang pakikipagtulungan nito sa nagpapatuloy na imbestigasyon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 112,585 total reads

 112,585 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 145,915 total reads

 145,915 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 178,059 total reads

 178,059 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 244,121 total reads

 244,121 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 256,154 total reads

 256,154 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top