Mananampalataya, hinimok ng arsobispo ng Cebu na makiisa sa White Ribbon movement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,469 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na makiisa sa White Ribbon Movement bilang pagpapahayag ng pananampalatayang nakaugat sa katotohanan, pananagutan, katarungan, at matuwid na pamamahala.

Sa inilabas na pastoral appeal, inanyayahan ng arsobispo ang lahat ng mga mananampalataya sa arkidiyosesis na magsuot ng puting damit o maglagay ng puting laso sa pagdalo sa mga banal na misa sa June 28 bilang pakikiisa sa White Ribbon Movement March na inorganisa ng iba’t ibang religious groups at inendorso ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay Archbishop Uy, ang puting laso ay hindi lamang simbolo ng pagkakaisa kundi isa ring panawagan sa pananagutan.

“The white ribbon symbolizes our hope for a nation free from corruption and dishonesty,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na ang kampanya ay nagsusulong ng pananagutan ng mga lingkod-bayan at wastong pangangasiwa sa pondo ng bayan para sa kapakanan ng mamamayan.

“It expresses our call for accountability from those entrusted with public office, the responsible stewardship of public resources, and the pursuit of truth and justice for the common good,” pahayag ni Archbishop Uy.

Paalala ng arsobispo na hindi lamang mga institusyon ang dapat magbago, kundi ang bawat mamamayan ay inaanyayahang aktibong makilahok sa mga reporma sa lipunan na sisimulan sa sarili.
“At the same time, it reminds us that genuine reform begins not only in our institutions but also in our own hearts,” aniya.

Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga pamilya, paaralan, tanggapan, negosyo, at iba pang institusyon na maglagay ng puting laso sa kanilang mga tahanan, sasakyan, gusali, at mga opisina bilang pagpapakita ng suporta sa pagsusulong ng integridad, transparency, at mabuting pamamahala.

Apela rin ng arsobispo ang patuloy na paninindigan para sa katotohanan, kahit matapos ang nakatakdang pagkilos sa June 28.

“Beyond June 28, let us continue to exercise critical discernment, seek the truth, reject misinformation, resist every form of corruption, and hold ourselves and our leaders accountable,” saad ni Archbishop Uy.

Dagdag pa ng pastol, bilang mga Kristiyano at responsableng mamamayan, tungkulin ng bawat isa na maging saksi sa katapatan, katarungan at integridad sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Umaasa rin ang arsobispo na sa pamamagitan ng sama-samang panalangin at pagkilos ay mapalalakas ang hangarin ng mamamayan para sa isang bansang pinaghaharian ng katotohanan at katarungan.

“Let us also pray fervently that God may purify our hearts and renew our nation in truth, justice, and love,” pagtatapos ni Archbishop Uy.

Kabilang sa mga manguna sa pagkilos ang Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) kung saan inaasahan ang pagbubuklod ng 50 na organisasyon para sa panawagang wakasan ang mga kaguluhan, kawalang-katarungan, at katiwaliang nagaganap sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 113,702 total reads

 113,702 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 147,032 total reads

 147,032 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 179,176 total reads

 179,176 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 245,238 total reads

 245,238 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 257,200 total reads

 257,200 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top