Archbishop Jumoad, humiling ng panalangin sa ikakatagumpay ng 132-CBCP plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,568 total reads

Humiling ng sama-samang panalangin at pagkakaisa si Ozamiz Archbishop Martin Jumoad para sa ikatatagumpay ng ika-132 Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gaganapin sa Archdiocese of Ozamiz sa July 3 hanggang 10

Sa panayam ng Radyo Veritas, inamin ng arsobispo na bagama’t malaking karangalan para sa lokal na simbahan ang maging punong abala sa pagtitipon ng mga obispo ng bansa, hindi rin nawawala ang pangamba habang patuloy ang mga paghahanda.

“There is excitement. At the same time, anxious din tayo. May anxiety po tayo kasi hindi ko pa alam kung perpekto ba ang mga preparasyon natin,” pahayag ni Archbishop Jumoad.
Gayunman, sinabi ng arsobispo na nakikita niya ang pagkilos ng Diyos sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga pari at mananampalataya sa paghahanda para sa mahalagang gawain ng Simbahan.

“Para sa akin, yung isang milagro na nakita ko ay yung cooperation po ng mga pari, mga tao, at marami po silang ginagawa sa simbahan at mga prayers po,” ani ng arsobispo.
Ayon pa kay Archbishop Jumoad, ang sama-samang pagkilos at pananalangin ng buong sambayanan ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa sa kabila ng mga hamon sa paghahanda.

Kasabay ng paghahanda para sa plenary assembly ay ang nalalapit na Episcopal Coronation ng makasaysayang imahen ng Birhen sa Cotta sa July 8, kung saan inaasahang dadaluhan ito ng maraming deboto mula sa iba’t ibang lugar lalo na sa Mindanao.

Ibinahagi ni Archbishop Jumoad ang kahalagahan ng Birhen sa Cotta sa pananampalataya ng mga mamamayan ng Misamis Occidental na mula pa sa Espanya at dumating sa lugar noong 1756.
Dagdag pa ng arsobispo, ang halos tatlong siglong debosyon sa Mahal na Birhen ay naging bahagi na ng pagkakakilanlan ng mga mamamayan ng lalawigan.

“Ang mga tao dito, ang identity ng mga Misamisnon, yung devotion sa Birhen sa Cotta,” ayon sa arsobispo.
Pangungunahan ng arsobispo ang pagpuputong ng korona, na sasaksihan ng Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, at ng mga obispong kasapi ng CBCP.

Samantala, inaasahan ding darating sa Ozamiz ang pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe na kasalukuyang umiikot sa Pilipinas bilang bahagi ng Novena Intercontinental Guadalupana, isang pandaigdigang programa ng debosyon na naghahanda para sa paggunita sa ikalimang siglo ng aparisyon ng birhen sa taong 2031.

Ayon kay Archbishop Jumoad, mahalagang paalala ito sa mga mananampalataya na patuloy na lumapit sa Mahal na Birheng Maria upang higit pang mapalapit sa Hesukristo.
“Our redeemer, our salvation is only in Jesus,” giit ng arsobispo.
Hinimok ni Archbishop Jumoad ang buong Simbahang Katolika sa Pilipinas na makiisa sa pananalangin para sa mabunga at matagumpay na plenary assembly.

“Ako po ay nananawagan na sana po hindi lang ang taga-Misamis Occidental ang mag-pray para sa fruitful and successful 132nd Plenary Assembly,” ayon sa arsobispo.
Binigyang-diin niya na ang kapayapaan, pagkakaunawaan at pagtutulungan ay mahahalagang bunga ng pananalangin at pagkakaisa.

“We have to pray, and we ask you to really give us peace, to give us the miracle of coming together, working together, and of understanding one another. Because it is only when we work together and pray that we will achieve our goal,” saad pa ni Archbishop Jumoad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 18,090 total reads

 18,090 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 103,495 total reads

 103,495 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 167,338 total reads

 167,338 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 255,394 total reads

 255,394 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 337,555 total reads

 337,555 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top